CHAPTER 36

84 3 0
                                    

A/N: Yohoo guys!! I think 4 chapters nalang and I Met the Player ay matatapos na🎉🎉!! Thank you pa rin po sa mga patuloy na nagbabasa nito HAHAHAHA kitakits sa sunod na story!! Bago yon eto na po ang Chapter 36

Max's POV

After ng exam medyo nakahinga na ako ng maluwag kasi finally wala na akong iintindihan pa. Mag to-tour nalang kami tapos ayon na.

'you're not yet done on your mission' anas ng isan' tinig sa isip ko

Naupo ako sa bench at dinama ang hangin habang nakatanaw sa court ng campus. Napapikit ako

"I'm really tired" bulong ko

"Then give me the permission to do all you need to do"

nagmulat ang mata ko nang marinig ko iyon. Laking gulat ko ng makitang napakalapit namin sa isa't-isa na tila pati hangin ay mahihiyang dumaan.

He's staring at my eyes. Napalunok naman ako, naririnig ba niya ang tibok ng puso ko? Kasi ako oo dinig na dinig ko.

"what?" yun ang naitanong ko

He smiled at me habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa mga mata ko.

"Ako nalang, ako nalang ang magpapakapagod para sayo"

Nahihirapan ako sa sinabi niya. Parang naninikip ang dibdib ko. No, Hindi pwedeng mahulog ka sa patibong nya.

"you're so sweet. But nah, kaya ko na" I slightly smiled

"Alright. Just tell me kung matutulungan kita ha?" I nodded and he caressed my cheeks habang hindi ako nilulubayan ng tingin

"I love you, and I'm willing to wait hanggang sa ako na ang maging laman ng puso mo"

Parang may tumusok sa puso ko nang sabihin niya iyon. Why am I hurting by the way? Hindi dapat ako nasasaktan, dapat lang sa kaniya yan.

Magsasalita pa sana siya nang may maaninag akong bulto sa likod niya

"Max!!" sigaw ni Mark habang kumakaway-kaway pa

I look back at Edward. His jaw clenched, at pumikit pa siya ng mariin. Napangiwi ako, this is not a good idea.

"Ah Edward, pwede ko bang makausap sandali si Max?" tanong ni Mark kay Edward

Nagpabalikbalik lang ang tingin ko sa kanilang dalawa. Nakakaramdam ako ng tensyon sa pagitan nila na hindi ko malaman kung bakit.

"What if I say no?" mariing tanong ni Edward

Napatingin ako kay Mark na nakatingin din pala sa akin, maya-maya'y bigla siyang tumawa.

"Geez, chill. I will borrow her for a minute lang naman" aniya habang nakataas ang mga kamay na para bang sumusuko siya

"Yeah whatever" sabi ni Edward at tumalikod saka lumakad palayo

Tumingin ako kay Mark, nakataas ang kilay nito habang tumatawa pa. I arched my brows. Naupo siya sa tabi ko.

"Tingin mo ba nahulog na siya sayo?" tanong nito sa akin

Biglang may kung ano sa puso ko na kumirot. What if akala ko lang pala na nahulog na siya? Or What if pinaglalaruan lang niya ako?

"Hah. So does that mean hindi pa?" aniya na tila nanunuya

I glared at him

"What if nahulog nga siya?" he smirked

"Then before the tour ends dapat magtagumpay ka na sa plano mo" aniya at tinapik pa ang balikat ko

"Tandaan mong, sangkot siya sa aksidente ng pinakamamahal mo" aniya na tila binabantaan pa ako

Of course alam ko. Bakit ko makakalimutan iyon? Hindi pa nga ako nakakaganti sa mga ginawa niya sa akin. Hindi pa sapat na makita ko siyang nakahawak sa rehas. Kulang pa yon.

"mauna na ako, see you tomorrow" aniya at umalis na. Naiwan ulit akong mag-isa.

Kamusta na kaya si Ate Pixie? It's been weeks since we last talked. Kinuha ko yung cellphone ko at pinagmasdan ang numero ni Ate Pixie. Should I call her? Nagulat ako nang mag-ring ang cellphone ko, si Ate Pixie ang caller.

"Hello?" bungad ko dito

["Hello Max, how's school?"] tanong ni Ate Pixie. I smiled

"Ahm eto kakatapos lang ng exam"

["Oh I see, how's your plan by the way"]

Huminga ako ng malalim

"Well, sa tingin ko naman mukhang magtatagumpay" mahinang sabi ko

["Oh so you're not yet sure?"] I can hear on the other line that she's laughing right now

"Ganoon na nga"

["Oh dear, Love is an adversary hard to beat"]

"Di ko naman siya mahal ate" pinal na sabi ko dito

["Awts gege"] aniya at tumawa

Whattt?? Did I just heard Awts gege? Where the hell did she get that word?

"Ate ano bang nangyayari sayo?" tanong ko dito

["Nothing you know napakaseryoso mo naman kasi. Isa pa, baka naman kasi hindi mo pa mahal"] aniya habang tumatawa

Napairap ako. So dapat ba biro lang ang usapang pag-ibig?

["Alright. I think it's a good bye for now ha. I love you and Goodluck sa plan mwah"]

"hmm, okay bye I love you too" I heard her chuckled and she ended the call. Napailing nalang ako

"So sino naman yang ka iloveyou-han mo?" nagulat ako nang marinig ko ang boses ni Edward

Luh. Anong isasagot ko? Sabihin ko ba na Ate nya ang kailoveyou-han ko? Ah wag nalang, napangisi ako.

"Hmm just a friend" you're so dead Max

Nakita ko namang kumunot ang noo niya, nakapamulsa siyang lumapit sa akin at nagbend para magpantay ang mukha namin, biglang naningkit ang mata niya.

"Who the heck is that friend hmm?"

Para akong hinahabol sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko na kayang makipaglaban ng titig sa kaniya

"Are you jealous?" I asked out of curiosity

He smirked

"So what if I am huh?" aniya at tumaas pa ang kilay

"What should my baby do?"

What the actual fvck? Did he just call me baby? Omygad heart please calm down. Napapikit ako at iniwas ang ulo ko sa kaniya.

"Ah so wala kang gagawin" He said at tumayo ng tuwid

"Then maybe it's time para maitali ka na talaga"

Tangna talaga. Bakit ganon? Bakit parang ako pa ata ang mahuhulog imbis na siya? Ano ba naman yan Maxine nag rupok rupok mo naman.
Tumayo ako tsaka tumingala dahil hindi kami pantay.

"at bakit naman ako ang itatali mo?" tanong ko sa kaniya habang pinanlilitan ng mata

He groan at bumalik ang tingin sa akin "Because you're hard head. I don't even know kung kanino ka nag-I loveyou too kanina," he held my hands "I can wait, but please don't make me fool, because you're hurting me " aniya at hinigpitan pa lalo ang hawak sa kamay ko.

Am I? Pero yun ang plano. Dapat makita ko siyang nasasaktan.

I smiled at him. Kulang pa to Edward

"I'll never do that" pinal na sabi ko dito

"Hmm 'kay" He said then he kissed my forehead

"Let's go, ihahatid na kita para din makapagprepare ka para bukas. Susunduin kita ng maaga ha" tango lang ang isinagot ko sa kaniya at nauna siyang maglakad

I looked uo in the sky, help me please. May odds be in my favor. Sambit ko habang tinitignan ang likod ni Edward.


       I Met the Player(Love Series#1) UNEDITED!        
 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon