HAPPPYYYY 1K REAAADDDSSS! Salamat po sa mga patuloy na nagbabasa kahit medyo maikli po yung unang chapters!
Chapter 30: new memories
Max's POV
Sinundan ko pa rin ng tingin yung babae hanggang sa hindi ko na makita ang bulto niya.
"Hoy babae!" Napa-atras ako nang marinig ko ang malakas na boses ni Azi
Nakunot naman ang noo ko sa kaniya
"Why the hell are you shouting!?" Inis na sigaw ko sa kaniya
He smirked at me
"Nagawa mo ba yung role mo?" Tanong nito
"Malamang ako pa?" Inis na sabi ko
Inis, siguro kasi kung hindi pa sinabi ni Ate Pixie edi naloko na ako, galit at the same time kasi bakit kailangang laruin ako? Hindi kaya may kinalaman siya sa pagkamatay ni Efraim?
"So, anong sabi?" Tanong niya habang pinaglalaruan ang susing nasa kamay niya
"Apology accepted daw" maikli kong tugon sa kaniya
Bigla siyang tumawa kaya nakunot na naman ang noo ko. Is he crazy?
"Chill. Nakakatawa lang kasi siya eh" aniya
Agad akong napangisi nang maalala ko kung bakit ko hinahanap si Azi
"So..." Nilahad ko ang palad ko sa harap niya "give me your notes" sabi ko habang tumataas-baba pa ang kilay
Buntong hininga ito na para bang natalo sa pustahan. Tsaka binuksan ang bag at ibinigay ang tatlong notebook sa akin
"Yang tatlo muna ang aralin mo, tutal naman iyan ang sa first day ng exam"
Napangiti ako kahit papaano. Azi is a very good friend. Altough simula nu'ng nawala si Efraim medyo weird na siya.
Napabuntong hininga naman ako nang buksan ko ang notebook at ini-scan ito. Ang daming lesson. Sana makapasa naman ako sa exam kahit papaano.
"Oy di ka pa ba uuwi?"
Malungkot ko siyang tinignan. Nakunot ang noo niya nang makita akong malungkot
"Why?" Tanong nito bago umayos ng tayo
Umiling ako "wala. Na-realize ko lang na marami akong dapat habulin"
Nagulat na naman ako dahil tumawa na naman siya
"Grabe, tungkol ba sa lesson iyan o may iba pa?"
With that .... Na-gets ko ang sinabi niya
"Sino pa bang hahabulin ko? Nasa hukay na siya at alam kong kahit kailan 'di na siya babalik"
"Haist. Tara na ihaha–"
"Ako na ang maghahatid sa kaniya"
Nanlaki ang mata ko at nagkatinginan kami ni Azi nang marinig ko ang boses na iyon. Napapikit ako nang mariin!. Gosh akala ko naman naka-uwi na siya. Nag-angat ako ng tingin kay Azi at tila humihingi ako ng tulong. Pero nginisihan niya lang ako.
"Eh kaso ako ang nauna" sabi ni Azi at inakbayan pa ako
Letse talaga
"But there's a choice" mariing sagot ni Edward
Ngumisi naman si Azi
"Bro naman!, I'm just kidding ano!"
Nanlaki ang mata ko! Ibig-sabihin ba no'n hahayaan niya akong ihatid ni Edward!?
BINABASA MO ANG
I Met the Player(Love Series#1) UNEDITED!
RandomLove series#1 Iisang tao na mabubuhay sa dalawang katauhan, kailangan mo ng magising sa katotohanan, kailangan mong maibalik ang iyong nakaraan para malabanan ang taong puno't dulo ng lahat. Kailangan mong saktan ang mahal mo upang magbayad ang kasa...