Chapter 25: Quit
Maxine's POV
Pinulot ko ang Rosas at unti-unting nag-angat ng tingin. Napasinghap ako dahil nakita ko si Edward na nakatayo sa aking harap. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Harujusko ano ba ito
"You didn't text me huh?" Aniya at bahagyang ngumisi
Ano bang ipinaglalaban nito?
"Should I?" Balik ko sa kaniya. Unti-unting nawala ang ngisi sa kanyang labi at tila napalitan ng inis
"Of course. Bumalik ako dito sa school, pero sabi nila Sheldee umuwi ka na." Aniya
Bakit? Sino ba ang nang-iwan?
"Excuse me po ha. Pero sa pagkakaalam ko, ikaw ang unang umalis" madiing sabi ko
"Yes, that's why you should text me after you left" aniya habang nakatingin ng diretso sa akin. Napalunok ako
"Bakit pa?, Edi sana ikaw ang nag-text sakin kung nasaan ka" pinagsiklop ko ang aking mga kamay.
Walang sabi-sabing hinila niya ako pababa. Hinayaan ko na, hanggang sa makarating kami sa parking lot ng school. Pinasakay nya ako at pinaandar ito. Tahimik lang ako dahil wala akong ideya sa pakana niya sa buhay.
"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko sa kaniya
Diretso itong nakatingin sa kalsada. Napairap ako, ano ba? Bingi ba siya?
"Ang sabi ko—"
"We'll go to the cementery." Malamig niyang sagot
Sasabihin din naman pala niya bakit kailangan pang ulit-ulitin? Tss. Isinandal ko ulit ang aking ulo sa bintana ng sasakyan at tumingin sa labas. Hindi gaanong mainit dahil makulimlim ang langit. Saang sementeryo kami pupunta? Kay Efraim kaya? Napapikit ako at inalala ang mga masasaya naming moment. Nagmulat ako ng maramdaman kong tumigil na ang sasakyan
"We're here" maikling saad niya
Bumaba na ako sa sasakyan at hindi na siya inintay na pagbuksan pa ako. Dito nga.... Nandito kami sa sementeryo kung saan inilibing si Efraim.... Nang magkalapit kami tumingin ako sa kanya
"Bakit tayo nandito?" Tanong ko
Kunwari ay hindi ko alam na dito pala nakalibing si Efraim. Tumingin siya sa akin at tinaasan ako ng kilay
"Dadalawin ko ang kakambal ko. Don't tell me hindi mo alam na—"
"Alam ko." Putol ko sa sasabihin niya
"Ang akin lang, paano mo naman nalaman na dito siya nakahimlay gayung hindi ka naman malapit sa pamilya mo?"
Napansin ko na namutla siya. Napangisi ako
"W-what do you m-mean?" Tanong niya
"Dahil ni minsan, hindi ka ipinakilala sa akin ni Efraim" iyon ang naging sagot ko
"Ah. Gano'n talaga, kailangan eh." Aniya at naglakad na
"Nandito ka ba nu'ng libing nya?" Tanong ko. Napahinto siya sa paglalakad at hinarap ako sabay iling
"Wala. Nasa ospital din ako ng mga araw na 'yon. Ikaw ba?" Napahinto ako at tumingin sa kaniya
"I.....I was in coma that time" nanlambot bigla ang ekspresyon nito
"Oh. Sorry kung naitanong ko pa" aniya at naglakad uli
"It's alright. In fact, kung hindi ko itinanong kung nasaan si Efraim ay hindi ko malalaman na namatay siya" malungkot kong saad. Nagbabadya na naman ang mga luha ko
BINABASA MO ANG
I Met the Player(Love Series#1) UNEDITED!
RandomLove series#1 Iisang tao na mabubuhay sa dalawang katauhan, kailangan mo ng magising sa katotohanan, kailangan mong maibalik ang iyong nakaraan para malabanan ang taong puno't dulo ng lahat. Kailangan mong saktan ang mahal mo upang magbayad ang kasa...