CHAPTER 7(IMTP)

192 8 0
                                    

A/N: BE AWARE SA TYPO :>

















CHAPTER 7 ✓

MARIE.  

8 na ng gabi, nakaupo ako rito sa sala at iniintay ko si Max dahil wala pa din siya dito, tinawagan ko kanina yung kaibigan nya, ang sabi ni Misha, kasama daw ni Josiah, asan na kaya ang batang iyon, kukuha ako ng tubig ng biglang may narinig akong nabasag sa may kwarto, pinuntahan ko iyon, nakita ko yung picture frame, picture ni Max 'yon, bigla akong kinabahan,wag naman sana.....

*MAXINE CALLING*

Sa wakas tumawag na din ang batang ito, nag-alala ako,

'HELLO ANAK,?'  sabi ko

'MA'AM?' nagulat ako dahil lalaki ang sumagot,

'SINO HO SILA?'  hindi naman sa nagooverthink pero, nakakatakot isipin, baka kung anong nangyari kay Max,

'AH,MA'AM AKO PO SI POLICE OFFICER MYKEL NG  BRGY. ALFONSO,KAYO HO BA ANG INA NI MS.MAXINE LOPEZ?'  kinabahan ako sa sinabi ng police nangangatog ako, hindi ko alam pero parang may mali,

'OO AKO NGA,' sabi ko

'MA'AM, NAAKSIDENTE PO ANG ANAK NINYO, PATI HO YUNG KASAMA NYA,PUMUNTA NALANG PO KAYO SA MARIANO HOSPITAL'  para akong tinakasan ng lakas sa narinig ko, para akong binuhusan ng yelo, hindi ko kakayanin kung pati si Max mawawala sa akin,lumabas agad ako ng kwarto at tinawag ko kaagad ang kuya nya,



*Dave Lian*

Habang nasa kwarto ako, may narinig akong nabasag kanina, bumababa ako ng hagdan ng makita ko si mommy na lumabas sa kwarto ni Maxine, umiiyak si mommy, hindi nya ako napansin , kaya nilapitan ko siya,

"Mi,anyari ha?" Namumutla si mommy,

"Nak,si, si M-Max" nataranta  ako sa sinabi ni mommy,

"Bakit!?,anong nangyari!?" Hindi ko mapigilang manlamig,

"Anak tara na sa Mariano Hospital,naaksidente sila ni Josiah" nanginginig si mommy

Dali-dali akong umakyat sa taas, kinuha ko yung susi ng kotse at dinial ko yung number ni Pixie,

Ring*ring*ring

'Hello Hon?,' di ko alam kung pano ko sasabihin,

'Hon, si Josiah at Max naaksidente, papunta na kami sa Mariano Hospital'  di ko mapigilang mag-alala dun sa kapatid ko,

'ha!?,sige sige pupunta kami ni mama'  inend ko na yung call,

Habang nagmamaneho ako, di ko mapigilang isipin si Max, marami pa s'yang pangarap, 1 month palang sila ni Josiah, 22 palang sya, Sana naman iligtas nyo sila Lord...after 20 minutes nakarating na kami, dumeretso kami sa emergency room, nakita ko si Max at josiah, inaasikaso sila ng mga doctor,

"Excuse me, family of the patient?" Sabi ng doctor

"Opo,kay Maxine po," sabi ko

"Okay, oobserbahan pa namin sila, medyo maraming nawalang dugo sa kanila, lalo na sa driver, ililipat namin sila sa ICU" nakakapanghina talaga,

Nakaupo ako sa waiting area ngayon sa tapat ng ICU, maya-maya pa may lumapit  na mga pulis, umuwi muna si mommy, ako muna ang nandito,

"Sir?" Pagkausap ng pulis sa akin, tumayo ako at hinarap sila,

"Police officer Mykel po at siya si Mark" sabay turo sa kasama

"Dave" maikling sagot ko,

"Sir, kami po yung nagimbistiga sa nangyari, base sa nakakita mabilis po ang takbo ng sasakyan nila, nakausap namin yung truck driver, sabi nya baka daw hindi alam ng nagmamaneho na one way iyon, may nakakita din daw na may nakasunod sa sasakyan nila na motor, sa lakas ho ng impact nasira ho yung pinto ng sasakyan at tumalsik ang driver dahil tumaob ang sasakyan, eto po yung mga bagay na narecover namin,mula sa biktima" sabay abot sa akin ng cellphones,

"Sir, paano ho yung motor na humahabol sa kanila, nakita nyo ho ba?" Sigurado akong kakilala nila 'yon

"Hindi pa po, pero hinahanap na po namin yung rider, "  ano namangatraso nila Josiah sa rider na iyon!? Ay basta.....

"Sige salamat ho" umalis na sila,

Makalipas ang 5 oras dumating na si Pixie,

"Anyare? Nasan sila?" Niyakap ko siya,

"Nasa ICU pa," sabay labas ng doctor mula sa ICU,

"I'm Mrs. Yna Castro, I'm sorry, medyo malakas ang pagkakatama ng mga biktima kaya maraming nawalang dugo sa kanila, we still monitoring Mr. Josiah while Ms. Maxine is in comma right now, bibilang tayo ng araw,linggo,buwan,  taon bago siya magising,or worst hindi na siya magigising, but it's alright, the chances na magising sya is 90%" sabi ni doc,

"Thank you Doc." Sabi ni Pixie

"Tatagan n'yo lang ang loob nyo," pahabol ni Doc














End of Chapter 7 ✓


       I Met the Player(Love Series#1) UNEDITED!        
 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon