Chapter 10,
Makalipas ang isang araw, pumasok na din ako sa school, marami akong lessons na hahabulin dahil nga sa nangyari, pinipilit kong maging okay, kasabay ko ngayon si Misha, maglulunch kami,
"Misha,penge akong notes ha?" Sabi ko, tinanguan nya lang ako,
"Hm,sige basta promise mo saken na di mo na iisipin si efraim" napatitig ako sa kanya,
"Biro lang eto naman" sabay tawa,
Nakita ko si Eragon na papalabas ng classroom, hinabol ko sya, si Eragon kasi yung class president,
"Eragon,ahm, may project ba tayo?" Tinitigan nya ako, parang di sya makapaniwalang nandito ako, i snaped my finger,
"Ah oo yung research tungkol sa medicines at mga equipments, pasa mo nalang kay Sir yon" pagkatapos non umalis na sya,
Maya-maya nagsalita na si Misha,
"Nga pala, next week, may event tayo, parang intrams na din" ano namang sports ko?
"Pwedeng hindi sumali?" Tanong ko,
"Oo basta magdodocumentary ka" okay na yun kesa magtrying hard ako,
"Hm..sige" naisip ko yung mga hahabulin kong lessons,
"Ah,Misha, una na ako ha?" Tumayo sya,
"Teka di mo pa ginagalaw yung lunch mo" nakasimangot sya,
"Kasi magtatanong pa ko ng mga lessons sa ibang teachers, alam mo naman sila napakahirap hanapin," ngumiti ako tsaka kumaway,
Hinanap ko sila Sir Axel at Ma'am Alex sa faculty, buti nalang at nandon sila,
"Ahm, Sir, Ma'am" nginitian nila ako,
"Oh, okay ka na ba, bat pumasok ka agad?" Tanong ni ma'am,
"Eh mam, marami pa'kong hahabulin" aaminin ko nahirapan ako, pero buti nalang kasi next month pa ang exam,
"Okay so anong kailangan mo" sabi ni Sir,
"Eh hihingi po sana ako ng kopya ng nilesson nyo" sabi ko, nagtinginan sila,
"Ahm, isend ko nalang via email" sabi ni ma'am,
"Sige po, salamat" lumabas na ako,
1:00pm na, wala na akong klase, aasikasuhin ko muna yung research, siguro hahanap muna ako sa library ng pwede kong magamit, umakyat ako sa Library, andon naman si ma'am Vicky,
"Hi ma'am" bati ko,
"Oh, okay ka na ba?" Tanong ni ma'am, tumango ako
"Opo,sisiw lang" nginitian nya ako,
"Mabuti naman, namiss ka ng mga kaibigan mo, siya nga pala ano ang kailangan mo?" Tanong ni ma'am,
"Ahm, yung tungkol po sa mga equipments and medicines meron po ba non dito?" Tanong ko,
"Oo tara"sinamahan nya ako sa dulong shelf,"eto yung hinahanap mo,may nanghiram din ng ganyan, siguro kaklase mo" nagtaka ako, kaklase ko? Eh lahat sila nakapag-pasa na,
"Ahm, sige salamat po" sa mga oras na ito may nagbabasketball sa court, namiss ko na si Efraim, haist,
Bumababa ako, nakasalubong ko si Mark,
"Oh,pumasok ka na pala, okay ka na ba?" Nagaalalang tanong nya, tumango nalang ako,
"Eh kayo kamusta?" Pabalik ko,
"Ayun, mahirap kasi walang player na magaling,pero okay lang nakahanap nakami ng kapalit, kasing galing din nya," masayang sabi ni Mark,
"Ahm sino---" di ko natapos kasi may tumwag sa kanya,
BINABASA MO ANG
I Met the Player(Love Series#1) UNEDITED!
RandomLove series#1 Iisang tao na mabubuhay sa dalawang katauhan, kailangan mo ng magising sa katotohanan, kailangan mong maibalik ang iyong nakaraan para malabanan ang taong puno't dulo ng lahat. Kailangan mong saktan ang mahal mo upang magbayad ang kasa...