Pero hindi ko kilala"Simple lang, nalaman ko dahil imposibleng mabuhay ang patay" tinitigan ako ni Ate Pixie na animo ay nagtatanong,
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong nya na tila ba nagiingat na may dapat syang itago,
"Nagkita kami, kakilala ko sya" nginisihan ko si Ate Pixie,
"Dalhin mo ako sa kanya" sagot nya,
Hindi, hindi ko sya dadalhin kay Janh Edward hanggang hindi nya sinasabi sa akin kung bakit ngayon ko lang nakita ang kakambal ni Efraim,
"Sige, sa isang kondisyon" nababasa ko sa mga mata na ang pagdadalawang isip, kalaunan ay tumango,
"Ano naman?" Ngumiti ako,
"Ikuwento mo sa akin kung bakit ngayon ko lamang sya nakita" bakas sa mata nya ang pagdadalawang isip, kalaunan ay tumango rin,
"8 years ago, nagkaron sya ng girlfriend si Angelica Barceda, he's only 17 that time, bulag na bulag sya sa pagmamahal nya kay Angelica, dumating sa point na kahit sariling pamilya nya ay inaaway nya kapag nagkakaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ni Angelica, on and off ang relationship nila, I know Janh Edward is a smart kid, pero simula ng dumating si Angelica nagbago sya, alam kong pera lang ang habol ni Angelica sa kapatid ko kaya minsan ko ng pinagbantaan si Angelica na ipapapatay ko sya kapag hindi nya pa nilayuan ang kapatid ko, pero ng dahil sa sinabi ko mas lalo lang ata syang ginanahan sa panloloko kay Janh Edward, ultimo si Efraim nilalandi–" tinaasan ko ng kilay si Ate Pixie, "–pero hindi ganon katanga si Efraim para bumigay, mayron syang Nicole that time. Hanggang sa napagdesisyunan na nila mom and dad na paghiwalayin nalang si Angelica at Edward dahil walang naidulot na mabuti ang babaeng 'yon sa kapatid ko, pero hindi nakinig si Edward. Pinapili sya ni dad, kung ang pamilya nya o si Angelica, pinili nya si Angelica, at itinakwil sya ni Dad, sabi ni Dad simula daw sa araw na 'yon kakalimutan na nyang may kakambal si Efraim at may kapatid ako, it's really hard na makitang nahihirapan ang kapatid ko, tinanggalan sya ng mana, at yun, hanggang ngayon wala akong balita."
So, dahil sa girlfriend kaya nagkaganoon si Edward, bakit ba kasi andaming bulag pagdating sa pagibig?,
"Now let's–"
Hindi pa man tapos magsalita si Pixie ay May tumawag sa akin,
"Maxine" sabay kaming lumingon ni Pixie,
Lumapit sya sa amin, tinignan ko si Pixie,
"I don't need to bring him to you, sya na ang nagkusa" bulong ko kay Pixie,
Kitang kita ko ang mukha ni Pixie na hindi makapaniwalang nasa harap na nya ang kapatid nya, I never thought na darating ako sa puntong ito,
"Oh, Edward?, What are you doing here?" Tanong ko ngunit nakatuon ang paningin kay Pixie,
"Ah, may bibilhin lang ako, pero nakita kita, ahm naalala ko kasi may training ako bukas ng basketball, nood ka"
"Sino naman ang nagpasok sayo sa basketball?" Tanong ko kay Edward,
"Ah yung Mark" naghahanap nga pala sila ng papalit na team captain,
Tumango ako at ipinakilala ko ang kasama ko,
"She is Pixie. Pixie si Edward kaklase ko. Edward si ate Pixie, girlfriend ng kuya ko"
"Ah ikaw pala yung kaklase nya" biglang sumeryoso ang mukha ni Edward, he remember his sister naman?
"Una na ako sayo Maxine. Nice meeting you Pixie" walang emosyon nyang sabi habang nakahawak sa ulo,
"Bakit ganon?, Bakit parang hindi nya ako kilala?" She asked, nagkibitbalikat na lamang ako
Ngunit kahit hindi ko sya sinagot, ramdam ko din na may mali,
"Sige na Pixie, mauna na po ako" tinalikuran ko na sya at naglakad, palabas na ako ng building ng biglang may sumulpot sa harap ko,
"Maxine!" Bati nya
"Tangina" ani ko,
Bakit ba parang kabute ito?, Lilitaw nalangbasta basta, hindi ba uso dito yung mararamdaman mo muna?
"Ano ba ginagawa mo ah?" Tanong ko,
"Ah pauwi na ako," doon ako nakakuha ng ideya, iinterviehin ko sya,
"Ahm gusto mo ba ihatid na kita?" Offer ko,
"Wag na nakakahiya" sagot nya,
Shit! Hindi pwede kailangan mapapayag ko sya!
" Bakit? Ikaw pa mahihiya?" Naging seryoso na ako,
"Ah,b-baka kasi maabala ka pa" inirapan ko sya,
"Ako na nga nagoffer diba?" Tanong ko,
"Sige tara sabi mo"
Inakbayan nya ako at lumabas ng building na yon, dumiretso kami sa parking lot, napansin ko na naman na nakahawak sya sa ulo nya kaya dinaluhan ko sya,
"Okay ka lang?, Kanina ka pa ganyan ah"
Tinignan nya ako,
"Oo, siguro mainit lang"
Tumango ako at binuksan na ang passenger seat,
" San ka ba?" Tanong ko,
"Sa Samson Ville"
So?, Doon nakatira yung Angelica?, Let's see, baka maabutan ko sya.
" May nangyari ba sayo na di mo inaasahan?" Biglaang tanong ko,
" Oo, minsan parang nagkaka deja vu ako,"
"Ah" yun lang ang naisagot ko,
"Paano mo naman nasabi yon?" Tanong ko,
"Kasi eto, pakiramdam ko nangyari na yung ganto" nilingon ko sya at tinaasan ng kilay,
"Paanong nangyari?" Naguluhan ako,
"Wala" yun lang ang isinagot nya,
kailangan talaga na matanong ko sya, kailangan madalas kaming magkasama, naiinis ako!!
Agad din kaming nakarating sa ville nila, itinuro nya ang pasikot-sikot,
"Ikaw lang ba magisa dyan?" Sana hindi!, Nagcrossfinger ako
"Hindi, may kasama ako, pero hindi ko kilala" tiningnan ko sya ng masama,
"Niloloko mo ba ako!?" Sigaw ko nang makababa sya,
"Totoo yun, hindi ko talaga sya kilala,or maalala" tinalikuran nya ako, napahinga ako ng malalim,
"Nga pala!, Thanks for the ride" tumawa sya,
Naiinis na ako na sarili ko, unti unti na talaga!....paanong hindi nya kilala? Gago ba sya? Ay nakakinis talaga!!!
End of chapter 13
BINABASA MO ANG
I Met the Player(Love Series#1) UNEDITED!
RandomLove series#1 Iisang tao na mabubuhay sa dalawang katauhan, kailangan mo ng magising sa katotohanan, kailangan mong maibalik ang iyong nakaraan para malabanan ang taong puno't dulo ng lahat. Kailangan mong saktan ang mahal mo upang magbayad ang kasa...