Chapter 19: Mama
Nang matapos ang laro nila, tumayo na kami ni Misha. Hindi parin ako makapag-salita dahil hanggang ngayon paulit-ulit tumatakbo sa isip ko ang nangyari kanina, ano ba kasi talagang nasa isip nya?
"Ahm bes, una na ako ah?" paalam ni Misha
Tinanguan ko sya at humalik sya sa pisngi ko. Shit talaga nagfaflasback na naman. Alanganin akong ngumiti kay Misha bago nya ako talikuran. Naupo ulit ako sa bleachers at inintay si Edward, sabi nya kasi kanina sasabay sya sa akin at intayin ko raw sya dahil magpapalit lang sya.
Nagbeep ang cellphone ko.
'anak dito ka ba kakain?'
Naalala ko yung sinabi ko kay mama kagabi na babawi ako, agad akong nagtipa ng isasagot.
'opo ma dyan ako kakain, pauwi na din po ako'
"napaka-seryoso mo naman"
Kahit nakatalikod ako alam ko kung sino yung nagsalit, humarap ako sa kanya. Bahagya akong tumingala dahil mas matangkad sya sa akin ng kaunti
"oo ah, kasi si mama tinatanong ako kung doon ba ako kakain, nangako akong babawi ako eh" tumango-tango si Edward
Hinawakan ni Edward ang baba nya, at ang isang braso ay nasa bewang napa-hmm sya.
"aha!" nagulat ako ng hawakan nya ang balikat ko at alugin
"bakit hindi tayo sa inyo kumain" masayang ani ni Edward
Bigla akong nataranta, paano ko naman ipaliliwanag kay mama na may kakambal si Efraim, kung pati ako eh ngayon ko lang nalaman.
"teka—" hindi na nya ako pintapos at hinila ako.
At dahil wala na akong nagawa, nagpahila nalang ako. Sumakay kami ng taxi papunta sa bahay. Mabilis lang ang biyahe dahil walang traffic. Nasa tapat na kami ng bahay. Kinakabahan ako. Hindi ko kasi talaga maipapaliwanag ng maayos to kay mama.
"tara na gutom na ako"
The heck?, seriously? Habang masaya sya ako kinakabahan na. nagulat ako ng si Edward ang nagbukas ng gate at hinila ako kumatok sya sa pinto namin.
May nagbukas ng pinto,gulat si mama ng makita si Edward,sinilayan ko naman si Edward.
"hi po tita, Edward po kaklase ni Maxine" sabay mano kay mama
Ano ba naman?,bakit ba kasi para syang nanliligaw sa mga kilos nya? Nakakinis. Nagtatakang tumingin sa akin si mama, nagkibit balikat ako at ibinalik ang kanyang tingin kay Edward.
BINABASA MO ANG
I Met the Player(Love Series#1) UNEDITED!
RandomLove series#1 Iisang tao na mabubuhay sa dalawang katauhan, kailangan mo ng magising sa katotohanan, kailangan mong maibalik ang iyong nakaraan para malabanan ang taong puno't dulo ng lahat. Kailangan mong saktan ang mahal mo upang magbayad ang kasa...