CHAPTER 21

133 4 0
                                    

CHAPTER 21:







Maxine Point of View


"Hoy girl!"

Pagtapik ni Misha ang nagpabalik sa aking huwisyo. Nagrereview kasi kami, dahil may last exam pa kami after nang break time. Tinapunan ko ng tingin si Misha na ngayon ay nakakunot ang noo sa akin. Tinaasan ko sya ng isang kilay.

"Oh bakit?" Tanong ko sa kaniya mas lalong nalukot ang pagmumukha nya

"Oh bakit ka din!, Hala ka, tignan mo nga yan!" Itinuro nya ang hawak kong libro

"Tignan mo kung naasan ka palang, kumapara mo kung nasaan na ako. Ano ba kasi 'yang iniisip mo ha? At tila kung saan mo naiwan ang isip mo?"

Tinakpan ko ang dalawa kong tenga dahil maririndi na ata ako sa kasesermon ni Misha. Isinarado nya ang libro ko at humarap sa akin, tinanggal nya ang kamay kong nakatakip sa dalawang tenga ko at hinawakan iyon.

"Max, may hindi ka sinasabi ha. Ano ba kasi yan? O baka naman sino?" Agad nakunot ang noo ko at narinig ko ang paghagalpak ng tawa nya. Parang tinatambol ang puso ko

Naisip ko na naman iyong sinabi ni Edward last week. Ano ba kaso iyon? Bakit ganoon ang sinabi nya? Inangkin nya ako? Hindi ba nya naisip ang kambal nya? Nako talaga naman, ilang araw na din akong walang tulog dahil sa kakaisip sa sinabi nya. Misha snapped her fingers

"Hm, sabi na. Yang mga tingin mo kasi kakaiba" ngising ani ni Misha

Kinakabahan ako. Parang tinatambol ang puso ko. Paano kung malaman ni Misha? Nakakatakot dahil baka masira ang friendship namin dahil kay Edward. Ano nalang ang sasabihin ni Misha?.

"Ano.. wala" umiling pa ako kalaunan ay tumayo ngunit pinigilan ako ni Misha

"Saan ka pupunta? Di ka pa nakakareview hoy!" Nanliliit ang mga matang paalala sa'kin ni Misha

Tinignan ko ang relo sa aking bisig, sampung minuto na lamang at tutunog na ang bell. Kung ganoon dalawampung minuto na akong nakatulala? Aba parang hindi na ata tama iyon.

"Talagang hindi na tama girl!" Wala sa sariling napatingin ako kay Misha na nakapameawang, nabanggit ko ba ng malakas?

"Oh ano na? Mage-exam ka ba ng hindi nagrereview man lang?, Aba kakaiba ka ha para kang susugod sa gyera na walang dalang armas" sarcastic na tumawa si Misha

Ang totoo naman non, nag-review na ako sa bahay, pinagtuunan ko talaga ng pansin ang subject na iyon dahil mahirap. Hindi rin maganda ang sobra, dahil ang sobra nakakasama. Kaya kung magre-review na naman ako, baka wala na akong maisagot.

"Nakapag-review na naman ako Misha, tara na sa classroom" inantay ko siyang makatayo bago tumalikod.

Habang umaakyat kami ng hagdan bigla syang tumigil at pumihit paharap sa akin. Nagtaas ako ng kilay sa kaniya, bigla niyang ipinasa sa akin ang libro nya. Nagbaba ang tingin ko doon

"Mauna ka na sa room mag-rest room lang ako" mabilis na ani ni Misha. Nagkibit balikat na lamang ako at nagpatuloy sa pagakyat.

Nararamdaman kong may sumusunod sa akin ngunit hindi ko iyon pinansin dahil baka estudyante lang ito sa katabi naming silid, isa pa limang minuto na lamang tutunog na ang bell. Marami din akong estudyanteng nakakasalubong at karamihan ay nakatuon ang atensyon sa libro, nasa pintuan na ako ng classroom ng biglang may tumawag sa pangalan ko. Ang iba kong kaklase ay napatingin sa akin agad akong nag-iwas ng tingin at pumihit paharap sa kung sino man ang tumawag ng aking pangalan.

Nakunot ang noo ko dahil hindi pamilyar ang mukha ng lalaking ito, napahigpit ang hawak ko sa mga librong nasa bisig ko. Para akong kinabahan dahil nakangiti ng malaki ang lalaki sa akin, sunod-sunod ang paglunok na aking ginawa dahil sa kaba.


       I Met the Player(Love Series#1) UNEDITED!        
 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon