Chapter 22: Date
Maxine's POV
Naalimpungatan ako nang marinig ko na may kumakatok, kaya naman napabangon ako. Napatingin ako sa alarm clock ko. 5:30 am palang ha. Bumaba ako sa kama at pumunta sa pinto
"Kay aga-aga eh" bulong ko sa sarili ko
Binuksan ko ang pinto, si mama ang bumungad sa akin. Nakunot ang noo ko, ano namang ginagawa ni mommy ng ganitong oras aber?
"Bakit po ma?, Alas-singko palang ah" umiling si mama at ngumiti kaya napakunot ang noo ko.
"Nako anak, ayusin mo 'yang sarili mo. Nasa baba yung manliligaw mo" nanlaki ang mata ko
"Anong manliligaw!?, Ang aga-aga pa!" Sigaw ko.
Iniwan ko si mama sa harap ng pinto at bumaba ng hagdan, nakita ko si Edward na nakasuot ng school uniform at prenteng nakaupo sa sofa na may hawak pa na coffee mug. Napabuga ako ng hangin. At tumayo sa harapan nya.
"Ang aga-aga. Edward. Nambubulabog ka." Madiing ani ko. Pesteng to. Nasa kalagitnaan ako ng kasarapan sa pagtulog tapos sya lang ang gigising sa akin?.
"Init naman ng ulo natin love" lalong tumalim ang titig ko sa kanya
"Hoy. Edward" dinuro ko pa sya "huwag mo 'kong matawag na loves ha? Hindi kita kasintahan wag kang assuming" napairap ako sa kanya
"Correction. Hindi pa. Actually dama ko malapit na" napakunot ang noo ko. Talaga bang iisipin n'yang sasagutin ko sya?. Whatever. Para san pa?
"Diba tita?" Aba't dinamay pa yung nanay ko sa kalokohan nya. Tinignan ko naman si mama
"Oo nga hijo" napaawang ang bibig ko. Pati ba naman si mama? Ano ba naman
Hindi ako makapaniwala. Iniwan ko sila tsaka ako umakyat para hindi na ako malate. Bumaba ako five thirty. Napansin kong wala sila sa sala. Dumiretso ako sa hapag at nakita kong nakaupo si Edward kaharap ni mama. Hindi muna ako nagpakita at pinakinggan ang pag-uusap nila.
"Ano hong nagustuhan ko?. Syempre yung si Maxine, mabait, matalino, tsaka maalagain ho. Kaso hindi ko alam kung bakit ang init ng ulo nya sa akin" rinig kong sagot ni Edward kay mama
Paanong hindi iinit ang ulo ko sa kaniya? Ano bang mahirap intindihin sa kakambal nya ang ex-boyfriend ko?. Sana naman kahit yun lang irespeto nya. Napapikit ako ng mariin.
"Ano bang oras na?, Hindi pa ba bababa si Maxine tita?" Tanong ni Edward
Balak kong magpakita na sa kanila bigla kong nakasalubong si mama napalunok ako.
"Andyan ka na pala eh, tara na" inaya ako ni mama sa lamesa. Hinila ko ang upuan sa tabi ni mama at sumandok ng pagkain
"Hijo. Doon ka ba tumutuloy sa—"
"Ma hindi pa ba umuuwi si kuya?" Putol ko sa sasabihin ni mama. Baka kasi kung saan na naman mauwi ang mga tanong nya eh
"Nako hindi pa eh. Ewan ko ba dun sa kuya mo. Akala ko nga eh isang linggo lang siya doon" napakunot naman ang noo ko. Nasaan naman kaya si kuya kung ganoon?
"Eh ma, hindi mo ba tinawagan?" Napahinto si mama sa pagsubo at ibinaba ang kanyang kutsara.
"Anak, ano bang problema? Akala ko eh ayaw mo na nandito ang kuya mo?" Napalunok ako
"Ma, dati yon. Iba naman ngayon. Tsaka hindi ba pwedeng ma-miss ko si kuya?. Ikaw talaga ma" narinig ko ang pagtawa ni Edward kaya nag-angat ako ng tingin sa kaniya.
BINABASA MO ANG
I Met the Player(Love Series#1) UNEDITED!
RandomLove series#1 Iisang tao na mabubuhay sa dalawang katauhan, kailangan mo ng magising sa katotohanan, kailangan mong maibalik ang iyong nakaraan para malabanan ang taong puno't dulo ng lahat. Kailangan mong saktan ang mahal mo upang magbayad ang kasa...