CHAPTER 6(IMTP)

202 11 0
                                    

Chapter 6

A/N : BE AWARE SA WRONG GRAMMARS!



SOMEONE'S POV

'di man ngayon,magiging akin ka din'

 

        

MAKALIPAS ANG ISANG LINGO*

*MAX*

5:00 am palang gising na ako, kaya naman bumaba ako nakita kong nakahain na si mama kaya naman kumain na ako, tapos naligo na ko sa kwarto pagkatapos kong mag-ayos, bigla kong napansin na may nakatuping papel sa may study table ko, katatayo ko palang ng biglang

"Anak andito na si Misha” tawag ni mama sa akin, tinignan ko ang orasan 6:10 am na pala, dahil doon bumaba na ako nagpaalam na ako kay mama.

Halos isang lingo ng hindi nagpaparamdam si Josiah, at sa isang lingo na iyon marami na din ang naganap… isa na doon ang lagi na kaming magkasabay ni misha sa pagpasok….

“ahm Misha, pwede bang samahan mo muna akong maglocker?” maaga naman kaming nakarating ng campus,di naman malyo ang village na iyon dito kaya hindi kami aabutin ng bell

“hm sige tara!” sabi nya,habang nag-lalakad kami sa hallway nagtaka ako kasi halos lahat nakatingin sa akin

“bes,bakit sila nakatingin sayo?” bulong ni misha sa akin

"Hindi ko alam".. sabi ko kay Misha sabay kibit balikat

sa di kalayuan natanaw ko si Mark humahangos sya,ambilis tumakbo akala mo sumali sa karera, bigla nya akong hinawakan sa magkabilang balikat

“makinig ka sa akin Max, yung mga bagay na nakikita mo sa locker mo araw-araw, hindi kay Josiah  galing iyon” oo, sa halos isang linggong hindi pag-paparamdam ni Josiah sa akin, araw-araw may bulaklak at chocolates sa locker ko noong nakaraang buwan kasi nagsimula na sila ng training,pero simula noong nangyari yung paguusap namin hindi nya na ako pinapansin hay

“huminga ka nga muna, kung hindi si Josiah yung naglalagay non sino?” sambit ni Misha na may halong pagtataka, sa halos isang linggo na hindi pagpapakita ni Josiah sa akin hindi din sila nagkikita ni Misha,bihira lamang, hindi na ako nag-aksaya ng oras, agad akong tumungo sa may fishpond dahil doon ko sya laging nakikita kasama ang HP, nakasunod lang sila misha at mark sa akin..

hindi ako nagkamali andito sila sa pond, ‘tapangan mo max,wag kang duwag tsk’

  “Josiah!” sigaw ko sa kanya na kaagad naman nyang nilingon

  “ikaw ba ang naglalagay ng mga bulaklak at chocolates sa locker ko?” ina naman wag mo akong titigan,nginisihan nya ako,

“what?, syempre hindi”  sabi niya sa mayabang na tinig 

“bakit ko naman gagawin yon?” pahabol pa niya, nagka-amnesia ba to? Ano toh napag-usapan lang yung ex nya nakalimot na?

  “may amnesia ka ba ‘di’ba boyfriend kita!? Tsaka sino pa bang ibang mag-lalagay doon?” di ko mapigilang hindi magtaas ng boses

“oh about that napagdesisyunan ko na wag nalang kasi alam ko naman na maaagaw ka din ni mark sa akin, isa pa malayong malayo kayo sa isa’t-isa ni Nicole,Nicole sya yung simple,matalino,at higit sa lahat hindi mukhang pera at mahal ko pa sya” bago pa sya magsalita lumpat na ang kanang kamay ko sa pisngi nya

“don’t you dare compare me to Nicole,and hindi ako mukhang pera! isaksak mo dyan sa baga mo yang pera mo tangina ka!” sabi na masasaktan lang ako!, ansakit!


       I Met the Player(Love Series#1) UNEDITED!        
 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon