CHAPTER 28

112 4 0
                                    

Hello Mahal!, Sorry po sa late update hehe Enjoy reading! Keep safe everyone! :)

~~~~~~~~~~




Chapter 28: Cellphone

MAX'S POV

Kinabukasan, maaga din akong nagising. Kaagad kong tinignan ang cellphone ko dahil sa pagbabakasakaling nagtext sa akin si Azi. Hindi ako nagkamali, may text nga siya

Good day! See you later

Napailing-iling ako sa nabasa ko. Gosh. I wish I can do it!. Letseng Edward yan, balak pa akong saktan! Let's see kung sino sa aming dalawa ang mas magaling. Akala ko nu'ng una totoong interesado siya sa akin, akala ko lang pala.

Agad akong naligo at nag-ayos bago bumaba, bumungad sa akin si Kuya Dave na kumakain ng tinapay habang si mommy ay may ipiniprito.

"Hindi ka ba kakain?" Tanong ni kuya nang makalapit ako

"Bakit kuya? Ayaw mo bang i-share ang pagkain?" Nanguuyam kong tanong.

"Hindi naman, nagtatanong lang" aniya at tumingin sa wall clock.

"Maaga pa pala, gusto mo bang ihatid na kita?" Tanong niya

"Hmn, sige" ngumiti si kuya at agad na tumayo

"Kung gano'n intayin mo ako" masayang aniya

Nang mawala sa paningin ko si kuya, agad namang lumapit si mommy sa hapag-kainan at inilapag ang iniluto niya bago ako tabihan.

"Goodmorning" aniya at hinalikan ang pisngi ko

"Goodmorning din po" bati ko kay mommy

"Mukhang good mood ang kuya mo" aniya at tinignan ang nilakaran ni kuya kanina.

"Siguro nga" pagsang-ayon ko naman

Kumuha ako ng kanin at ulam tsaka dahan-dahang sumubo. Napansin ko namang nakatingin sa akin si mommy, kaya naman nilingon ko siya

"Hindi ka po ba kakain?" Tanong ko

"Kamusta ang lakad mo kahapon?" Tanong niya

"Okay lang naman po" sagot ko bago ituon ang atensyon sa kinakain

Kapag hindi pa ako tumigil, tatanungin ako ni mommy, hindi ko naman alam ang sasabihin ko, mahirap magsinungaling

"Eh ano namang sinabi ng ate mo?"

Napahinto ako sa pagkain. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, anong sasabihin ko?.

"You know you can tell me kung ano man ang pinagusapan n'yo" aniya

Huminga ako ng malalim bago tumingin kay mommy, marahas akong napalunok bago makapagsalita

"S-sinabi nya po yung nalaman niya"

Nakunot ang noo ni mommy sa akin.

"Anong nalaman niya?"

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko si kuya, nagkatinginan kami ni mommy, para bang sinasabi niya sa akin na 'wag akong magpahalata.

"Ah sabi niya, nalaman ng kaklase niya na ayaw niyang sumama sa tour!" Anas ni mommy

Para akong nabunutan ng tinik dahil sa sinabi ni mommy, oo nga pala, nawala sa isip ko na next next week tour na namin.

"Ah, bakit ayaw mo  sumama?" Tanong ni kuya sa akin at hinila ang isang upuan

"Wala, baka kasi pangit ang pupuntahan." Tamad na sagot ko bago tumingin kay mommy, ngumiti lang siya sa akin at tinanguan ako


       I Met the Player(Love Series#1) UNEDITED!        
 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon