Chapter 29: Sorry
MAX'S POV
"Oy Max! Baka madurog naman 'yang cellphone" dinig kong pang-iinis ni Azi
Hindi ko pa nasisimulan yung plano namin pakiramdam ko talo na ano ba naman ito.
"Uy, girl 'wag marupok sige ka ikaw din" dagdag pa nito
Sino namang nagsabing marupok ako?
"Alam mo—" hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ko, biglang pumasok ang adviser namin kaya napaayos ako ng upo
"Okay!!! Sedie! Pakisulat sa board" tawag ng adviser namin sa secretary. Agad naman akong napasunod ng tingin kay Sedie.
"Class kopyahin nyo ang isusulat ni Sedie, 'yan ang magiging schedule ng exam nyo next week"
Agad kong narinig ang singhapan ng mga kaklase ko. Lalo na ako? Mababaliw ata ako, halos isang buwan din akong absent, kailangan ko pang bawiin ang mga iyon.
" 'wag kang mag-alala, papahiramin kita ng notes" sabi ni Azi
"Ay nako 'wag na, malamang may kapalit na naman iyan"
"Ah-uh." Aniya at umiling-iling pa. Lumapit siya sa may tenta ko "Basta ba gagalingan mo sa laro natin eh" bulong niya sa akin
Agad naman akong napalunok. Kailangan ko ding mag-focus sa mga ikinikilos ni Edward, kailangan hindi ako mahulog sa patibong nila.
"Magaling naman talaga ako" sabi ko sa kaniya
Nagkibit-balikat si Azi "Sabi mo eh"
Napaisip tuloy ako, paano kung hindi nangyari iyong aksidente, masaya pa din kaya kami ngayon?
"Hoy, nalulungkot ka na naman"
Napabaling ako kay Azi, I gave him a smile but I know na hindi naman umabot sa mga mata ko ang ngiti ko.
"Alam mo, stay strong lang!" Nakangiti niyang anas
Napangiti din ako, siguro kung hindi rin naman ako tinulungan ni Azi ay may posibilidad na mahulog ako sa patibong ni Edward. Pero ano namang motibo niya para gawin sa akin iyon?
-----
Lunch time na pero parang nawawalan na ako ng ganang kumain pa. Napabuga ako ng hangin at pinagmasdan ang langit. Biglang umihip ang hangin kaya napapikit ako.
"Handa ka na ba?" Tanong ni Azi
Agad akong napamulat dahil may bumulong sa akin
"Hmm, depende"
His brows furrowed and he groaned
"Anong depende!?" Aniya sa mataas na tono
Agad namang nakunot ang noo ko dahil sa tanong niya
"Eh bakit parang galit ka?" Tanong ko sa kaniya
Lumambot ang ekspresyon niya at biglang tumawa. Nakunot naman ang noo ko, may saltik na talaga
"Best actor na ba?" Tanong niya sa akin at ngumisi
Inirapan ko nalang siya at tumingin ulit sa langit. Maya-maya'y naramdaman kong may kumurot sa tagiliran ko kaya sinamaan ko ng tingin si Azi
"Andyan na siya umayos ka na" bulong niya sa akin habang pinanlalakihan ng mata
Naalis ang tingin niya sa akin kaya naman sinundan ko kung ano ba ang tinitignan niya. My heart beats fast. Para talaga akong hinahabol sa tuwing nakikita ko ang pagmumukha ni Edward. Kasama niya sila Sheldee at Mark. Gosh hindi ako pwedeng matalo!!!
BINABASA MO ANG
I Met the Player(Love Series#1) UNEDITED!
RandomLove series#1 Iisang tao na mabubuhay sa dalawang katauhan, kailangan mo ng magising sa katotohanan, kailangan mong maibalik ang iyong nakaraan para malabanan ang taong puno't dulo ng lahat. Kailangan mong saktan ang mahal mo upang magbayad ang kasa...