CHAPTER 20

145 8 0
                                    

A/N: sorry po sa sobrang matagal na update.. tinapos ko lang po yung Chasing my Long-time crush :>. Babawi po ako!!

CHAPTER 20: Mine

Maxine Point of View

One week bago ang laban ng Aranda at Sinaluan andito ako ngayon at nanonood sa training nila, as usual kasama ko si Misha. Simula noong isinama ako ni Edward sa una nilang training lagi na nya akong kasama.

"Break!" Sigaw ng coach nila matapos ang ilang rounds

Lumapit sya sa akin at iniabot ko ang tubig na hawak ko. Pawis na pawis sya. Kinuha ko yung maliit na tuwalya sa bag nya at nilapitan ko sya. Pinunasan ko yung noo n'yang may pawis nagtataka nya akong tinignan at napalunok sya at ibinaba ang tubig na iniinom. Narinig ko ang pagtikhim ni Misha kaya doon lang ako nag-iwas ng tingin ibinaba ko ang kamay ko at napaatras ako ng isang hakbang.

"Sana lahat may taga-punas pa ng pawis ano?" May halong sakrismong ani ni Mark

Naalala ko kasi si Efraim, hindi ko kasi nagawa sa kanya yon. Kaya kahit manlang siguro sa kambal nya magawa ko, pero mali eh. Kaso si Efraim ang nakikita ko hindi si Edward.

Tumalikod ako at ibinalik ang tuwalya sa bag nya at naupo sa tabi ni Misha. Siniko ako ni Misha, nag-angat ako ng tingin at nakita kong nakangisi sya sa akin habang nakatuod ang dalawang braso sa bench.

"Ikaw ha, De Guzman ang nais" aniya at sinundot ang aking tagiliran

Oo De Guzman

"Sira ka talaga" ani ko at napayuko

"Tignan mo kaya yung pinunasan mo" nginuso nya ang pwesto ni Edward

Nakatingin ito sa akin at mamulamula pa ang pisngi. Baliw talaga, kinakausap sila ng coach nila tapos nasa akin ang tingin?. Napailing nalang ako.

"Eh ikaw ba Misha" sinadya kong bitinin ang sasabihin ko at makahulugang tumingin sa kaniya.

"What? A-anong ako?" Napangisi ako dahil namutla sya

Ginaya ko ang pwesto nya, itinukod ko din ang dalawang braso ko sa gilid at nagtaas-baba ang kilay ko sa kanya. Pinaningkitan nya ako ng mata

"Chill girl, tatanong ko lang naman kung gumagawa ka ng assignment" nginisihan ko sya

"A-ano ba naman yun? Syem-syempre oo, ba-bakit naman hindi a-ako g-gagawa diba?" Hmm then why are you stuttering huh?

"Hmmn... Unless..."

"Unless what?"

"Unless may hindi ka sinasabi sa akin Misha Victoria" binuo ko ang pangalan nya

Subukan mo lang talaga Misha ikaw ang buhusan ko ng tubig dyan

"A-ano? W-wala naman. Nasabi ko naman ata lahat?"

Bakit patanong? Di ba sya sigurado?.

"Hmn... Sure ka ba na pati ang tungkol kay Andres sinabi mo na?" Biglang nanlaki ang mata ni Misha

"Anong meron don? Sino ba yun? Kilala ko ba? Taga saan ba?" Dire-diretso nyang tanong

"Chill Misha, isa-isa lang ang tanong mahina ang kalaban" huminga ako ng malalim at mariing pumikit

"Una... Diba manliligaw mo yon? Kilala mo? Syempre Oo manliligaw mo nga eh, taga saan? Taga Business Administration Misha" malapad ko syang nginitian

"P-paano mo nalaman?" Nanlalaki ang mga mata nya

"Aba dapat lang, saakin muna sya dadaan bago sya makalapit sayo ano" syempre mahirap na... Marupok pa naman 'tong kaibigan ko...

"S-sus w-wala naman akong planong sagutin yun" napayuko sya


       I Met the Player(Love Series#1) UNEDITED!        
 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon