CHAPTER 26

116 3 0
                                    

Chapter 26: Kuya

Maxine's POV

Kinabukasan, nagising ako dahil sa pagtapik ni mommy sa akin. Nang tignan ko si mommy, biglang dumaan ang lungkot sa kaniyang mga mata habang nakatitig sa akin. Unti-unti akong naupo sa kama.

"Oh mommy" tumingin ako sa wall clock, it's already 9 am "goodmorning" dugtong ko

Naupo si mommy sa paanan ng kama at yumuko. "What's the problem hm?" Tanong ko, agad namang umiling si mommy

"Wala naman, hindi ako sanay na makitang ganiyan." Malungkot na anas ni mommy

Lumapit ako sa pwesto ni mommy at niyakap siya. "Masanay ka na, sa ganda kong 'to my" nagpakawala ako ng mababaw na tawa.

Humarap sa akin si mommy at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. She's looking at my eyes, at sinisigurado kong kitang-kita niya ang pamamaga nito dahil sa pag-iyak ko kagabi.

"I think your brother is right"

Nagtataka akong tumingin kay mommy

"Walang mabuting maidudulot si Edward sa'yo" aniya " and we don't even know kung ano ba talaga ang kailangan niya sa'yo" I nodded slowly and hold her hand

"Mommy, alam ko naman na mabait na tao si Edward, pero gaya nga ng sabi mo, hindi ko pa siya lubos na kilala" tumango lang si mommy sa akin at biglang tumunog ang cellphone niya

"Sino naman kaya itong—" hindi pa man tapos magsalita si mommy ay biglang tumunog ang doorbell. Nagkatinginan kami ni mommy

"Ako na" aniya, tumango lang ako

Nang makalabas si mommy agad akong tumingin sa salamin, kinuha ko ang panali at itinali ang aking buhok bago dumiretso sa banyo at maghilamos.

Dahil hindi na bumalik si mommy sa kwarto, nagpasya akong sumunod sa kaniya. Natulos ako sa aking kinatatayuan nang maaninagan ang isang bultong nakatayo patalikod sa akin, agad napuno ng luha ang aking mga mata. Patakbo akong bumaba

"Kuya" anas ko, nang humarap siya sa akin ay niyakap ko siya ng mahigpit.

"Ow, why are you crying?" Aniya na tila nang-iinis, lalo tuloy humigpit ang yakap ko sa kanya.

"Aw na-miss ako ng prinsesa ko ano?" Aniya at humalakhak.

Humiwalay ako sa kanya at pinahid ang mga luha ko. Masama kong tinignan si kuya Dave. Tumaas naman ang kilay niya

"Oh, why are you looking at me like that?" Hindi makapaniwalang tanong niya "You're looking at me like you want to kill me" dagdag pa niya

Napasimangot ako at naupo sa sofa, idinipa ko ang aking mga braso sa head rest ng sofa. "Sino kaya dito yung habang wala sa bahay eh hindi man lang magawang mag-text ni tumawag?" Sarkastiko kong tanong

"Aw, my princess is mad at me now huh?" Aniya, umirap lang ako

"Eh kasi naman Dave!, You're not texting us, ni hindi namin alam kung buhay ka na ba o baka nakain ka na ng leon"

Umiling-iling si mommy at pumunta sa kusina para maghanda ng makakain. Binigyan ko naman si kuya ng 'oh ano? Di ka man lang ba magso-sorry?' look.

"Okay, fine..... I'm sorry, busy kasi kami doon kaya hindi ako nakapag-text" nag-peace sign pa siya.

Biglang sumagi sa isip ko si ate Pixie. Kasama din kaya siya sa outreach program na iyon? Ilang araw ding walang paramdam si ate Pixie eh. Napatingin ako kay kuya at lumunok.

"Kuya, si Ate Pixie ba kasama mo?" Tanong ko sa kaniya. Nakunot ang noo ni kuya

"Yes, ah may problema ba?" Umiling naman ako


       I Met the Player(Love Series#1) UNEDITED!        
 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon