CHAPTER 40

89 2 0
                                    

MALIGAYANG PASKO MGA MAHAL😘!! WALA AKONG IBANG HILING PARA SA INYO KUNDI ANG PANATILIHIN KAYONG LIGTAS SA ARAW-ARAW😘😘... ANYWAYS HERE YOU GO....




Max's POV

Alas-dos ng tanghali nang matapos ang mga activity. Agad silang bumalik dito sa assembly area. Napayuko ako nang maalala ko na naman yung nangyari kanina. Minsan kasi may mga kagrupo si Edward na tumitignin sa akin kaya naiilang ako. Pumila kami ni Misha para kumuha ng pagkain.

"Uy Ace congrats ah" dinig kong paguusap sa aming likod

Naramdaman ko naman ang pagsiko sa akin ni Misha. Kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Yabang naman" mapangasar na bulong ni Misha

Hindi na ako kumibo dahil magaasaran na naman kami, tsaka hindi rin naman siya magpapatalo sa akin.

Nang kumukuha ako ng pagkain may biglang tumapik sa akin.

"Hi" bati ni Ace

I smiled at him

"Congrats ah! Di mo naman sinabi na magaling ka pala sa archery" sabi ko sa kaniya

Tumawa naman sya ng may kalakasan dahilan para pagtinginan kami ng iilang estudyante

"Di ka rin naman nagtanong" he shrugged and turn his back on me.

Gusto ko pa siyang kausapin pero inisip ko na mas mabuting hindi kami ganoon kalapit sa isa't-isa.

"Hoy" napatingin ako kay Misha

"Ano yon?" aniya at nginuso ang dinaanan ni Ace

Umiling ako "Wala"

Tumalikod na ako habang bitbit ang plato ko ngunit alam kong sinusundan ako ni Misha.

"Alam mo, sa ginagawa mo lalo mo lang ginagalit si kuya" aniya

Nakunot naman ang noo ko dahil tila hindi ko nagustuhan ang binitawan niyang salita. Tumigil ako sa paglalakad at humarap sa kaniya

"Bakit, ano bang ginawa ko?" tanong ko sa kaniya

Hindi niya ako nasagot kaya tinalikuran ko rin siya agad. Nakakainis eh.

Naupo ako sa table namin at kumain. Hindi rin kami nagkibuan ni Misha. Tumayo ako para sana kumuha ng tubig pero may tumapik sa akin, si Misha.

"Ah...." humawak siya sa batok niya

"Tubig ba ang sayo?" tumango naman ako

"Sige ako nalang ang kukuha" aniya at tumayo na

Sinundan ko nalang siya ng tingin. Nang makabalik naman siya agad niya itong inilapag sa lamesa. Nagulat ako nang umugong ang mikropono kaya napatingin ako sa stage.

"Okay students after your lunch you can swim na. It's your free time. But please. Dapat before 5pm make sure na nakabanlaw na kayo and all, after that I set-up niyo na ang mga tents nyo alright? Mr. Cruz will assist you regarding sa position ng tents thank you"

Agad namang nagtawanan ang iilang estudyante. Buti pa sila masaya.

"Tara swimming na tayo!" yaya ni Misha sa akin

Nauna siyang tumayo at hinila ako. Wala na akong nagawa. Pumunta sya sa 6ft na pool

"Tara na!" hinila nya ako ngunit pinigilan ko siya. Kumunot ang noo niya kaya binigyan ko siya ng tipid na ngiti.

"Mauna ka na. Nakalimutan ko kasi yung towel ko" sabi ko sa kaniya at itinuro ko ang assembly area na sinundan naman niya ng tingin.

"Sige sige. Bilisan mo ha!" sigaw niya


       I Met the Player(Love Series#1) UNEDITED!        
 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon