CHAPTER 5(IMTP)

218 16 0
                                    

A/N: BE AWARE SA WRONG GRAMMAR!,ENJOY READING!







“oh, balita? Bakit ganyan ang itsura mo ha?” sa halip na sumagot bigla nya akong hinawakan sa may pulsuhan ko, medyo madiin yun kaya nasaktan ako

“aray!,ano ba nasasaktan ako huy” ansama ng titig nya sa akin, nang makarating kami sa parking lot doon lang nya ako binitawan….

Pinasakay nya ako sa loob ganun din sya, siya ang nagmaneho, dahil pakiraamdam ko galit sya ako na ang nagtanong, “Efraim, may problema ba?”  tingnan nya ako

“sabihin mo naman sa akin  kase ako rin yung nahihirapan eh, hindi ako sanay na ganyan ka” sabi ko habang nakatingin sa bintana

“ikaw, ikaw ang problema ko, bakit mo kasama si Mark?!”  sigaw ni Efraim sa akin,

“nagpatulong ako sa kanya sa assignment ko,ano bang problema mo kay Mark?” sabi ko sa mahinahon na pananalita, naakita ko yung galit at sakit sa mata nya,

“si Mark, sya yung dahilan kung bakit nawala yung pinakamamahal ko,nawala si Nicole sakin ng dahil kay Mark,inagaw sya sa akin ni mark, hindi mo alam kung gaano ko kamahal si Nicole, sinugal ko lahat para sa kanya, tapos malalaman ko na niloloko lang nila ako?” nabigla ako sa mga nalaman ko, kung ganoon,si Mark ang dahilan kung bakit sila nag-break ni Nicole……..

wala kaming imik hanggang dumating sa bahay,hindi nya ako pinag-buksan ng pinto…….pag-pasok naming ng bahay,sumalubong agad si Tita Carol sa amin,

“oh kamusta ang school?” sabi ni tita, pero hindi nya ako agad nakita,

  “oh hija andyan ka pala,tara pasok na tayo”  aya ni tita sa amin, hindi man lang ako magawang tignan ni Efraim hindi ako sanay :<……


"Ma akyat na ako,ikaw na bahala kay Maxine" yung boses nya parang anlayo-layo nya, agad naming tumingin si tita sa akin, napayuko nalang ako…

“ah, anak hija tara kumain ka na ba? For sure nagugutom ka,dun nalang tayo sa garden mag-usap” sabi ni tita habang nakangiti, sumunod ako kay tita hanggang sa garden…..




*CAROL DE GUZMAN*

Pagpasok palang nitong dalawa ramdam ko na may kakaiba,ni hindi sila nagpapansinan, nako malamang mainit na naman ang ulo ni Josiah, hindi ko na inintindi sa halip itong magandang dalaga nalang ang inintindi ko….

parang ang lungkot eh, tatanungin kona sana sya ng bigla syang nagsalita, “tita, ilang years po sila nagtagal ni Nicole?”  sabi ni max,noong una ayokong sagutin pero mas mabuti na malaman nya,

  “ahm, hija Max, simula kasi pagkabata magkasama na sila”  nakita kosa mga mata nya na parang marami pa syang gustong itanong,

“alam mo Max, hindi naman sa ayokong ikwento sayo pero, ayoko lang na masaktan ka”  nakayuko lang sya

“ tita ayos lang po,tsaka gusto ko lang din pong malaman”  naawa ako kay Max, gusto kong maging masaya sya kay Josiah,pero aykong magsinungaling sa kanya, edi kinuwento ko din

“kasi yung tatay ni Josiah,at Nicole ay magkaibigan, magkababata silang dalawa, hanggang noong elem. Same school sila, high school ganun din, niligawan ni Josiah si Nicole, hanggang nuong 4th year highschool nalaman naming na nagkagulo sila Josiah,Mark at Nicole sa court, doon namin nalaman na niloloko ni Nicole si Josiah, mula noon nagbago na ang anak ko, hindi na sya yung Josiah na mabait,masunurin,magalang,at higit sa lahat mapagmahal. Natuto na syang mag-inom, lagi na siyang nakikipag-away dumating na sa puntong lagi syang narereklamo ng mag kabatch nya,hindi naming sya masaway o madisiplina man lang kasi ang sabi nya pag- ginawa namin yun, kalimutan na daw namin na anak naming sya, si Pixie ang panganay namin.” Nagulat sya sa huli kong sinabi

"Tita si ate Pixie?" Sabi nya na medyo gulat

Itong bata na ito sa dinami dami ng sinabi ko yung kay Pixie lang ang binanggit sabagay,ayokong isipin nya pa ang nakaraan na


“oo ija bakit?” nakangiti na sya salamat naman

  “kasi po girlfriend sya ni Kuya Dave” mabuti naman kung ganoon nasa tamang tao ang mga anak ko

“ikaw pala ang kapatid ni Dave, hindi kasi kita nakikita sa campus lang”  nako nakakatuwa naman kung ganon sya na pala ang kapatid ni dave




*MAX*

“ahm tita uuwi na po ako baka kasi hinahanap na po ako sa amin” Sabi ko kay tita Carol,

  “pasado alas nueve na ija kaya moba? ipahatid na---”  pinutol  ko yung sasabihin ni tita

“ahm di na po kaya ko naman po eh, tsaka itetext ko po si Kuya” yun ang sinabi ko,pumasok ako sa loob para kunin yung bag ko tas narinig ko na parang may nag-uusap galing yun sa kwarto ni Josiah, lumabas na ako,pumunta ako sa garden

“oh sige ihahatid nalang kita sa gate,nag-aalala ako eh baka magalit si Josiah pag napahamak ka e sakin ka nya binilin” napayuko ako narinig ko na naman pangalan nya


habang naglalakad kami palabras ng gate,biglang nagsalita si tita



"nagkaboyfriend ka naba?” natawa ako sa tanong ni tita,

“naku tita hindi po, bago kasi ako mag-kaboyfriend dapat dadaan kay kuya, eh walang makapasa biro lang po ”  natawa si tita

  “sige po dito na ako, bye po tita thank you po!” sabi ko kay tita ng makarating sa gate ng village,


Pumara ako ng taxi

“san kayo Ma’am?” aaminin ko kinakabahan ako pero hindi ko ipinakita na ganun

“ah sa Ace Village lang po”  bago pa man kami makaalis, may nakita akong motor na lumabas sa Village na pinanggalingan ko, di ko nalang pinansin…tinext ko si kuyahhhhh

To kuya:
‘kuyah pauwi na ko’
‘Kakalagpas lang namin ng mercury drugs dito sa may circumferencial ‘


Biglang nagbeep yung cp ko
*1 message from kuyah ko*
‘oh basta magtext ka sa akin ha, bka kung san ka mapadpad


Nagulat ako kasi biglang lumiko yung taxi sa kanan putsa sa kaliwa dapat ang liko nito, hindi ako nagpaka-duwag,


“kuya mali po yung nilikuan nyo” shit nakakakaba na pero nagpakatatag ako
“ah hindi shortcut kasi” jusq nalintikan na,pero hindi ako uto-uto ,
“pero kuya kung magshoshortcut dapat dumiretso tayo” shit naman oh napatingin ako dun sa side mirror nya, kahit nasa back seat ako kita ko pa din,nakita ko yung nakamotor,o baka naman katulad lang
“wag ka nalang maingay” wahhh Lord kayo napo ang bahala sa akin, alam ko pong may dead end dito huhuhu…

"Akin na cellphone at wallet mo" Aba loko to ha di nya ko na matatakot….

“sige ibibigay ko to sa isang kundisyon”  uto-uto tong tanga na toh

“ano?” haha bobo

  “sa labas tayo magusap” at lumabas kami iaabot ko na yung bag ko na hawak ko sa kaliwa ng bigla ko syang suntukin gamit yung kanan kong kamay, sinipa ko sya natandaan ko na mat babasagin nga pala kong bote sa bag, kaya kinuha koi yon, binitawan ko yung bag ko sabay bato sa kanya nuong bote, kinuha ko yung bag sabay takbo…

di pa man ako nakakalayo biglang may huminto sa harap ko na motor, “sakay” kaysa mag-inarte sumakay ako hanggang sa nakarating ako sa Village nagulat ako kasi alam nya na dito ako pupunta, huminto sya sa labas ng bahay namin mas lalo akong nagulat ,pano nya nalaman!? Kinilabutan ako

“ salamat , anong pangalan mo?" tinanggal nya yung helmet nya pero naka mask sya na may kakapalan tsaka nya ginulo yung buhok nya nagsalita sya

“sa susunod mag-iingat ka na” sabi nya bago pinaharurot yung motor… hindi ko na ipinaalam kina mama ang nangyari ayokong mag-alala sila…… papasok palang ako ng gate ng biglang nagbeep yung cp ko

Unknown Number
'basta lagi mong tandaan nandito lang ako kapag kailangan mo ng tulong'


Hay yun kaya yung rider?, di man lang ako sinagot tungkol sa kung anong pangalan nya….






A\N : SINO KAYA YUN? ABANGAN PO YUNG NEXT CHAP. THANKS FOR READING

                            END OF CHAPTER5


       I Met the Player(Love Series#1) UNEDITED!        
 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon