Chapter 9
Lumipas ang dalawang araw, nakalabas na ako sa ospital, hindi ko pa din matanggap na iniwan nya na ako, na iniwan nya na kami, kasama ko ngayon si kuya, papunta kami sa Our Lady Of Peace Cementery kung saan inilibing si Efraim,
"Kuya, sa tingin mo ba?, Masaya kaya si Efraim ngayon?" Tanong ko kay kuya,
"For sure, mas masaya yon kung makikita ka nyang nakangiti," sabay ngiti ni kuya,
Dala ko ang bulaklak, habang papalapit kami sa puntod nya mas lalong bumibigat ang pakiramdam ko, bawat hakbang parang gusto ko nalang umuwi at huwag ng tumuloy...
Josiah Efraim De Guzman,
Flashback*
"Hoy loves" tawag nya sakin,
Nilingon ko sya,
"Hm?" Nginitian nya ako,
"Date tayo?, Alam mo kase, nakakahiya, halos magtatatlong buwan na noong maging tayo, tas ni-isang beses hindi mo ako nakadate" hindi nya ako matignan noong sinabi nya 'yon,
"Oh sige" tinignan nya ko ulit,
"Sige! Date tayo, sa sementeryo" putsa anong trip yon?, Sementeryo?
"Ha!?,anong sementeryo!?" Sigaw ko sa kanya, tinawanan nya lang ako,
"Noh ka ba, haha gusto kong mamasyal sa sementeryo, kasi tahimik don?, Gusto mo magbike tayo, libutin natin haha" noong marinig ko sa kanya yon, hinangaan ko sya, bukod sa napakatalinong doctor sweet pang boyfriend,
"Ahm..sige, basta gusto ko kapag nagdate tayo, yung naiiba ha?" Tumango sya,
"Oo naman loves naiiba,dahil sa mundong ito, tayong dalawa lang" sabay tawa
"Ang corny mo sira!" Sabay tawa,
"Sige na mauna na ako sayo, may klase pa ko" paalam ko sa kanya,
"Hmm..sige ingat ka loves bye" sabay flying kiss,
Dumating ang sabado, eto na, first date na,
"Anak!!!" Sigaw ni mama mula sa baba,
"Po?" Balik kong sagot kay mama
"Anong po! Kanina pa nandito si Efraim aba! Masamang pinaghihintay ang grasya" natawa ako sa sinabi ni mama, tama, grasya, hahahah
Bumaba ako, nakangiti sya, iba talaga yung mga ngiti nya,
"Oh anong nginingiti-ngiti mo dyan ha?" Tanong ko sa kanya,
"Syempre noh, magde-date kaya tayo" sabi nya,
Tsk..bolero,
Lumabas na kami, nagulat ako kasi may bike nga syang dala, tinotoo nya,
"Hoy seryoso?" Di makapaniwalang tanong ko sa kanya,
"Oo naman" sabi nya,
"Heh!?" Tili ko sa tuwa,
"Tara na?" Aya nya,
Nagbike kami hanggang makarating sa sementeryo,
"Alam mo loves, balang araw, gusto ko dito tayo ililibing, gusto ko tabi tayo" natigilan ako sa sinabi nya,
BINABASA MO ANG
I Met the Player(Love Series#1) UNEDITED!
RandomLove series#1 Iisang tao na mabubuhay sa dalawang katauhan, kailangan mo ng magising sa katotohanan, kailangan mong maibalik ang iyong nakaraan para malabanan ang taong puno't dulo ng lahat. Kailangan mong saktan ang mahal mo upang magbayad ang kasa...