Max's Pov
Nang makarating kami sa loob namangha ako dahil malawak ang resort. May itinuro ang aming tour guide sa bandang kanan, at may tatlong pool sa bungad, pagdating namin sa kalagitnaan ng resort ay natanaw ko ang isa pang pool na mas malawak doon sa nasa bungad.
"Ang bongga, may pa batis" bulong sakin ni Misha
Napangisi naman ako, may batis nga pero bawal daw kami don. Akala ko kami lang ang nandito, hindi rin pala, may ibang tao rin. Dumiretso kami sa assembly area, may mga lamesang bilog at mga upuan. Gaya ng ineexpect ko, nasa iisang lamesa lang kami ni Edward.
"Good morning!" panimula ng isang teacher sa harap kaya umayos ako ng upo
"I want you all to listen. Magpapalit muna kayo ng pang swimming attire nyo okay, pero hindi agad kayo maglalangoy kasi may mga activities kayong gagawin" tumingin ang teacher na nagsasalita sa relo nya "by twelve o'clock, tapos na kayo sa activites nyo after that, you have 4 hours for your free time" agad naman akong nakarinig ng pagtawa ng iilang estudyante "By five o'clock, ipeprepare nyo na ang tent nyo sa baba. Mayroon namang naka-assigned na place kung saan kayo magtatayo ng tent nyo. Thank you you may go now" anito at bumaba ng mini stage
Tumingin naman ako sa mga kasama ko sa lamesa, halos mapapikit ako ng makita ang kaklase ni Edward na harap harapang magpalit. Letse naman oh, para saan pa ang cr!? Agad akong umiwas ng tingin at tumingin kay Misha na naglalagay ng sunblock. Dinampot ko yung sunblock nya at naglagay ako sa kamay ko.
Napapikit ako ng mariin dahil nararamdaman ko ang matalim na tingin sa akin ni Edward. Panigurado, nakita nya akong nakatingin sa kaklase niyang mayabang.
"Woi may sunblock ka ah!?" sigaw sakin ni Misha
Yawa! Kailangan ba ipagsigawan talaga? Ang damot talaga kahit kailan
"Onti lang naman" sabi ko sa kaniya
Nagpatuloy ako sa paglalagay ng sunblock. Biglang umingay ang ilang estudyante mula sa kabilang lamesa kaya natuon ang atensyon ko roon. May babae ring dumating. Matangkad, maputi, sexy, all of her curves are perfect and she has a red lips.
"Siya ba yung Angelica?" dinig kong tanong ng kaklase namin na nasa harap ko
May sumiko naman dito at tila sinesenyasang manahimik ito. Nakunot ang noo ko dito, at bumalik ang atensyon sa babae. Halos manlaki ang mata ko ng makita ko ang mahigpit na hawak ni Edward sa braso nung Angelica, biglang yumukom ang kamao ko sa inis.
"Bes okay ka lang?" hindi ko pinansin ang tanong ni Misha. Naramdaman ko naman na sinundan nya ng tingin ang tinitignan ko.
"Aba't-" akmang susundan ni Misha ang pinsan niya ngunit pinigilan ko siya.
"Hayaan mo sya" malamig na sabi ko sa kaniya
Ilang minuto rin ang lumipas ngunit hindi pa rin bumabalik dito sa assembly area. Iritado akong kumuha ng rash guard at nagpunta sa cr.
Nakarinig ako ng maingay na pagtikhim sa aking likuran habang naglalakad ako kaya napahinto ako.
"You look so mad"
napapikit ako nang magsalita si Mark na tila nangaakusa, kaya humarap ako sa kaniya at tinaasan siya ng kilay
"So what are you trying to say?" tanong ko sa kaniya na ikinangisi niya
"Well uh, nakita kasi kita kanina..." nanlaki ang mata ko "Oh! No! It's not like that. I accidentally layed my eyes sa table nyo and yeah nakita kong nakatingin ka roon sa bagong dating na babae.. " he shrugged "tapos nung hinila-"
BINABASA MO ANG
I Met the Player(Love Series#1) UNEDITED!
RandomLove series#1 Iisang tao na mabubuhay sa dalawang katauhan, kailangan mo ng magising sa katotohanan, kailangan mong maibalik ang iyong nakaraan para malabanan ang taong puno't dulo ng lahat. Kailangan mong saktan ang mahal mo upang magbayad ang kasa...