Chapter 34: Stop
Max's POV
Kinabukasan, nagising ako dahil kay kuya, nasa baba daw kasi si Misha, kaya naman nagmadali ako sa pagaayos ng sarili ko at bumaba. Ilang araw ko na rin kasi siyang hindi nakikita eh.
"Hooy!!" agaw pansin ko kay Misha na nakaupo ngayon sa sofa. She just smiled at me.
Tumabi ako sa kaniya at pinaningkitan ko siya ng mata
"What happened to you huh? Mukha kang bula dahil wala ka man lang paramdam" sabi ko
She shook her head
"May inasikaso lang ako" aniya
Ano?
"Ah ganon ba?" she nodded.
I don't know kung paano ko naman sasabihin sa kaniya ang plano ko about sa pinsan nya. I'm scared na baka magalit siya sa akin because of that stupid plan.
"So, kamusta ka naman nung wala ako?" tanong niya sa akin
Should I say, I'm fine and our plan is on its way to success?
"I'm fine..we're fine" sabi ko at uminom ng juice na nakahain.
"How 'bout Edward?"
Muntik na akong masamid dahil sa tanong niya. She's staring at me like I' m hiding something.... Yes you're hiding something max
"Ah tungkol doon" tinignan ko siya. She's raising her brows "m-may, nalaman k-kasi kami" biglang kumunot ang noo niya
"Ano naman?" tanong niya
Nagdalawang isip pa ako kung sasagutin ko ba siya o hindi. Makailang ulit akong lumunok bago nagpatuloy.
"h-he..... He's involved sa pagkamatay ni Efraim" sabi ko sa kaniya habang binabasa ang reaksyon niya
Wala man lang bakas ng kahit ano, basta lang siya nakatingin sa akin kaya bahagyang kumunot ang noo ko. Bigla siyang tumawa ng pagak
"better to know more 'bout that before you proceed to your plan"
Mas lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Parang may iba pa siyang ibig-sabihin.
"Come on girl! Male-late tayo!"
Mas lalo akong naguluhan sa sinabi niya.... Late?
"Late saan?" tanong ko naman
Biglang lumambot ang ekspresyon niya, napangiwi naman ako dahil hindi ko talaga alam....
"Magre-review tayo!" sigaw niya sa akin
Napapikit naman ako dahil parang nairita siya sa akin. I shrugged hindi ko naman alam eh
"Okay, saan ba?" she giggled and turn her back on me
What the? Hindi na kami umimik at sinundan ko nalamang siya. Nang makasakay kami sa kotse nila nakaramdam ako ng kaba? Baka kasi makita ko si Edward doon. Hindi rin naman ako sigurado. Nagkibit balikat nalang ako at pinagmasdan ang kalsada. Alam ko na agad na papunta kamisa bahay nila. Tss
"Ang tahimik mo naman?" aniya, dahilan para tignan ko siya
"Ikaw lang naman tong maingay eh"
Kinurot naman niya ang pisngi ko kaya natawa ako
"Ano ba kasing inayos mo at umabsent ka pa?" tanong ko sa kaniya na puno ng kuryosidad
"Hmm..... Umuwi ako ng province eh" nang sabihin niya ang province ay hindi na ako nagtanong pa dahil isa lang naman ang ibig-sabihin noon.
BINABASA MO ANG
I Met the Player(Love Series#1) UNEDITED!
RandomLove series#1 Iisang tao na mabubuhay sa dalawang katauhan, kailangan mo ng magising sa katotohanan, kailangan mong maibalik ang iyong nakaraan para malabanan ang taong puno't dulo ng lahat. Kailangan mong saktan ang mahal mo upang magbayad ang kasa...