CHAPTER 38

79 2 0
                                    

Max's POV

Habang kami ay bumabiyahe, hindi ko rin maalis sa isip ko ang pag-alis ko ng walang paalam.

Napahinto ako sa pagiisip nang maramdaman ko ang malamig na kamay na dumapo sa palad ko.

"Are you alright?" tanong nito habang diretsong nakatingin sa daan

How could he? He's staring at the road like everything is normal, while me, I think all of my pulses are beating fast. It feels like I'm going to die anytime just because I can't breathe and it's all because of him! And I really hate it.

Napaiwas ako ng tingin nang bigla siyang bumaling ang atensyon nya sa akin. I heard him chuckled.

"You're staring at me huh?" nakangising aniya

"Don't assume too much, sige ka baka ikamatay mo" balik ko naman sa kaniya

"Kung ikaw lang naman ang dahilan ng pagkamatay ko why not?" aniya at nagpatuloy na sa pagmamaneho

I can't take this anymore. Parang sumisikip ang espasyo sa pagitan namin at tanging paghinga nalang namin ang naririnig ko. What the hell. Eto na naman ang pakiramdam na kinaayawan ko. I hate it every time I feel his touch, I hate it when he makes my heart beats fast, I hate everything about him. I really hate...

Nagulat ako ng tumugtog ang radio.

'Di, di ko inakalang darating din sa akin

Nung ako' y manalangin kay bathala, naubusan ng bakit

Bakit umalis ng walang sabi, Bakit di sya lumaban kahit konti
Paano mo naitama ang tadhana

At nakita kita sa tagpuan ni Bathala may kinang sa mata na 'di maintindihan

Tumingin kung saan sinubukan kong lumisan at tumigil ang mundo, nung ako' y ituro mo, ikaw ang panalangin ko'

Hindi ko alam pero nainis ako, lalo na nung sinabayan nya pa ang tugtog. Napatingin ako sa labas ng bintana, I saw on my peripheral vision that he's freaking staring at me, and it annoys me big time!

"Ilang oras pa ba bago tayo makarating sa Bataan?" tanong ko dito

"More or less 2 hours" aniya at tumuon na ang atensyon sa kalsada

Napairap ako, It feels like sobrang tagal ng dalawang oras para sa akin! Gusto ko ng bumilis ang oras! Hindi ko na kayang makasama siya lalo na't ganito pa kalapit!. Hindi ko alam ang sumunod na nangyari dahil nakatulog ako.

NARAMDAMAN ko na may tumatapik sa pisngi ko

"Hey, wake up" dinig kong sabi nito

Nasilaw ako dahil sa araw na tumatama sa mukha ko mula sa bintana. Agad akong napaayos ng upo at tumingin sa paligid bago itinuon ang atensyon sa kasama kong si Edward.

"Yes, we're here" aniya bago pinihit ang susi ng kotse nya, napatingin naman ako sa relo ko. It's 7am!!. Masamang tingin ang ipinukol ko kay Edward. Siya naman ay nakangisi lang sa akin

"What the hell? You said less than 2 hours! Dapat mga 5am tayo nakarating dito!!" sigaw ko sa kaniya

"lumibot pa muna ako dito sa Bataan, maaga pa naman. Makakarating sila dito around 8-9am" tukoy nito sa mga ka-schoolmates namin.

"so saan tayo ngayon?" tanong ko sa kaniya

Bigla siyang tumawa kaya naman kumunot ang noo ko

"May tayo na pala, akala ko kasi nanliligaw palang ako"

Mas lalo lang akong nairita sa kaniya, di ko alam kung anong katarantaduhan ang ginawa niya habang natutulog ako kanina sa kotse eh.

Tinalikuran ko sya at lumakad ako, kunwari alam ko yung daan kahit di naman talaga. Narinig kong tinatawag nya ang pangalan ko.


       I Met the Player(Love Series#1) UNEDITED!        
 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon