CHAPTER 16

137 6 0
                                    

CHAPTER 16: Edward



Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako, nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa akin, bumangon ako ganon na lamang ang gulat ko ng makita ko si Dave na nakaupo sa silya sa harap ng study table ko,


"Kuya, ano bang ginagawa mo dyan?" gulat na asik ko,


Tinitigan nya ako tsaka umiling,


" diba sabi ko naman sayo, layuan mon a 'yong lalaki na iyon?, tignan mo napapahamak ka pa ng dahil sa kanya,"


Naginit ang ulo ko sa sinabi ni kuya,


"Di naman nya kasalanan!!, at wala syang kinalaman" sigaw ko kay kuya,


"Hep!,you're not sure" tumayo sya at dirediretsong lumabas ng kuwarto,



Napairap ako sa hangin, kung bakit ba kasi napakamisteryoso ng lalaking 'yon, hindi ko na pinansin ang sinabi ni kuya at nagayos, pinili kong pumasok kahit late na ako sa una kong klase,



"hoy babae" ani ni Misha,



Hindi ko sya pinansin at naupo, naramdaman ko yung paninitig nya sa akin ewan ko ba, pakiramdam ko wala ako sa mood magsalita, maya-maya pa ay may sumiko sa akin, si Azi,



"bakit andito ka?" natawa sya sa tanong ko,



Tinaasan ko sya ng kilay, binaba nya yung tingin nya sa kamay ko na may benda, nagiwas ako ng tingin,



"sinong may gawa nyan?" walang emosyon nyang tanong,


Anong problema ng kulugo na to?


" maniniwala ka ba kung sasabihin kong katangahan ko ang may gawa?" ani ko habang nakangisi,



Nakunot ang noo ko ng makita ko na nakatingin sya sa pinto, nakatingin pala kasi sya kay Edward na kasalukuyang nakikipagusap kay Andrew, tumayo ako, hindi pa man ako nakakatalikod biglang hinatak ni Azi yung braso ko, tinitigan ko sya ng matalim.



"Bitawan mo ako" madiin kong sabi, ngunit ngumisi sya,



Freak! Ano ba? Bakit ba tila lahat ng tao ay may galit kay Edward?, bakit ba may napapansin sila na hindi ko mapansin!? Kairita!!



" wag ako Maxine, hindi ka tanga" napanganga ako sa sinabi ni Azi,


       I Met the Player(Love Series#1) UNEDITED!        
 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon