✨PROLOGUE✨

41 10 6
                                    

Ano nga ba ang pakiramdam ng macrush back? Yun bang magugustuhan ka rin ng taong gusto mo. Satisfying kaya? Nakakakilig kaya? O baka naman nakakastress lang. 

What if nag-confess siya sayo ng totoong feelings niya? Anong magiging approach mo? I-aaccept mo ba agad yung feelings niya sayo o ire-reject mo? 

Tatanggapin mo kasi nga naman, long time crush mo yun eh, at ngayon gusto kana rin niya. Sayang nga naman ang opportunity kung palalampasin mo pa. Malay mo yun na pala ang simula ng maganda mong istorya sa buhay pag-ibig diba?At dahil nga marupok ka eh yung kakiligan mo, hindi na maalis pa sa sistema mo hanggang sa umabot sa punto na magiging kayo na, kasi nga naman, grab the opportunity. Bibihira lang sa pinas ang kinacrushback. 

O baka naman irereject mo kasi maiisip mo na baka trip ka lang niya at nagustuhan ka lang niya dahil sa baka nalaman niyang gusto mo rin siya? Tapos ikaw naman tong may trust issues kaya  ganun nalang ang pumapasok sa isipan mo. 

Mag iisip kana naman baka bet lang ulit to dahil feelingera ka na ang istorya ng buhay mo ay parang gaya lang sa mga libro na nababasa mo. Na kesyo malalaman ng crush mo na crush mo siya at sasabihin niya sayong crush ka niya tapos yun pala sa huli ay napagtripan ka lang ng tropa. Eh di panibagong sakit sa ulo na naman yan at lalong lalo na sa puso. 

Napapaisip ka kung ipu-push mo ba o di kaya naman ay hahayaan nalang. Ang hirap magdecide noh? Kasi naman, minsan nga lang sa buhay ang magustuhan din ng taong gustong gusto mo.

Pero what if one day, kung kelan nakapagdecide kana na tanggapin yung feelings nung taong sinasabi mong matagal mo ng gusto eh may biglang dumating sa buhay mo para guluhin ang buong sistema mo? What if may bigla nalang umeksena sa akala mo masayang simula ng love story niyo? Will you still pursue the person whom you admired for a long time ago or you will just let things flow at makikisabay kana lang rin sa agos ng buhay?

Paano kung yung taong minsang naging parte ng buhay mo ay biglang magbalik at makisawsaw ulit. Tatanggapin mo pa kaya siya o mananatili ka nalang sa taong nakakasama mo na aa kasalukuyan.

Sino nga kayang mas may karapatan para sa pagmamahal mo? Ang taong nagmula sa nakaraan o ang taong kasama mo ngayon sa kasalukuyan.

Magiging mas matimbang kaya ang pag iibigang naudlot noon o ang pag iibigang umuusbong sa ngayon.

Mas mangingibabaw kaya ang sakit ng kahapon o ang saya ng ngayon.

Napakaraming tanong na hindi mo kaagarang masagot. Masiyadong magulo lalo na kapag hindi mo alam kung saan nagsimula at patungo.

Akalain mo yun, yung pangarap mong simpleng love story noon, naging complicated ngayon. Kakayanin mo pa kayang i-handle ang buhay pag ibig mo? O mas pipiliin mo nalang magpakasingle kasi nga naman baka ikabaliw mo lang ang pananatili sa magulong mundo ng pag-ibig.

Pero syempre.. abangan mo nalang ang kwento. Wag kang atat. Para masaya lang tayoo. ^_^

#UnangKasulatan(^^)


"Love moves in a mysterious ways. We never knew what the next thing that will happen the next day. We have no idea if how long would you love someone or how far would you go and sacrifice for someone you love."

You're Still The OneWhere stories live. Discover now