"Okay kana ba talaga?" tanong Merch.
"Oo nga. Eto naman eh. Hindi naman nabaldado, sumakit lang ulo ko. Tsaka wala naman akong cancer noh. Sabi naman na ng doctor yun. So, wag kang mag alala" paniniguro ko sakanya.
Nakailang tanong na rin kasi siya kung mabuti na ba talaga ang pakiramdam ko. Eh , ayos lang naman nga ako.
"Di mo naman ako mapipigilang di mag alala kasi syempre, the last time na magkaganyan ka eh todong kaba at takot naramdaman ko"
"Aww, sorry, Merch, pero ayos na ako talaga. Promise yan." nakangiti kong saad.
"Mamaya pala,uuwi muna ko sa bahay"
"Ha? Bakit? Next week pa ang balik ni Tito diba?"
"Oo nga, kaso kukuha muna ako ng damit. Magpapadespidida daw kasi kila Austin sa Friday.
"Despidida? Kelan nga ba alis nila?"
"Sa sabado na ata"
"This Saturday na?! Agad agad?!"
"Oo. Ewan ko. Pero parang kasi diba pag Monday eh may pasok na rin naman tayo niyan"
"Ba't naman ang bilis?"
"Oh? Ano? Busangot kana naman. Mamimiss mo siya noh?"
"Sino? Si Austin?! Hindi noh"
"Hindi, si Deibson"
"Mas lalong hindi, Merch"
"Ayan tayo ee. Kung alam ko lang"
"Naman kasi ee. Bakit ang bilis nilang aalis?"
"Nakalimot ka kaagad ah. Diba nga sabi mo, summer lang sila dito"
"Hays. Kaya nga pero kahit na. Sana man lang nag extend pa sila ket isang week ganun"
"Suggest mo sakanila sa Sabado, baka pumayag"
"Ayoko nga. Baka mapaghalataan pa ko. Masyadong lalaki ulo ni Deibson"
"Ha? Ba't naman lalaki ulo ni Deibson? Eh ikaw tong may gusto sakanya diba?"
"Eh ano, wala lang. Tamang assume lang, ganun. Malay mo naman diba?"
"Hay naku. Oh sya, basta uwi muna ako sa bahay kasi alam mo naman na. Wala akong ibang damit na dala."
"Wag kana umuwi. Papahiramin nalang kita"
"Hindi na. Nakakahiya"
"Hala. Sakin ka pa talaga nahiya. Ayos lang yan. Tsaka sayang pamasahe mo noh"
"Hmm. Okay na yun tsaka may kukunin din ako sa bahay"
"Ano naman yun?"
"Requirements ko para sa pag enroll sa school niyo"
"Ah ganun ba? Samahan na tuloy kita"
"Naku, wag na, Cxiara. Kelangan mo magpahinga"
"Nafflat na pwet ko kakapahinga, Merch. Kaya samahan na kita"
"Kaya ko na okay? Kaya wag na. Sige na maliligo na muna ko para maaga dina kong makaalis at maagang makabalik later"
"Sige. Hmm. Soundtrip lang din muna tuloy ako, okay lang?"
"Naman! Namiss ko yan. Taylor Swift's playlista, alam mo na yan" saad niya saka naglakad na papuntang banyo.
"And oh, unahin mo yung love story please"