✨CHAPTER THIRTEEN ✨

6 3 0
                                    


Kinabukasan ay late akong nagising. Inabot kasi ata ako ng hating gabi kakaisip dun sa abnormal caller na yun. Kung hindi pa nambubulabog si Xion ay hindi pa ko siguro babangon sa higaan ko.

“Ate, wake up! It’s already lunch!"  sigaw niya sa pintuan habang patuloy pa rin sa pagkalampag nito.

“ Gising na ko, tumigil kana. Ang sakit mo sa ulo!” sigaw ko naman saka dali daling binuksan ang pinto at baka masira pa.

Napakatakaw mo talaga sa tulog. Tss.” Wika niya pagkabukas ko ng pinto.

Nagugulat pa akong tumingin sakanya dahil bihis na bihis siya. Nakapolo shirt at saka nakaskinny jeans na may katernong white rubber shoes saka suot suot ang rolex niyang relo.

“At saan ka naman pupunta sa itsura mong yan? San ang date natin, bro?  sagot ko ng hindi pansinin ang sinabi niya dahil ayokong tuluyang masira ang araw ko.

“You’re insane , Ate. Bilisan mo na ang pag aayos mo sa pangit mong mukha kung ayaw mong maiwan. saad niya saka tumalikod.

Naguguluhan akong sumunod sakanya saka siya hinarangan.

“Hep, hep, hep! Anong meron? Saka bat ako mag aayos? San naman tayo pupunta?   tanong ko dahil wala talaga akong idea kung saan kami pupunta.

“Pupunta tayo kila Tito Jonas ngayon, bumalik na sila galing Cebu at dito na sila ulit titira. Nakalimutan mo ba?”

Hindi ko na siya sinagot dahil dali dali na kong pumasok sa kwarto at hinila na ang tuwalya upang maligo at makapagbihis na din. Nakalimutan kong ngayon nga pala ang dating nila Tito Jonas, kapatid ni Mommy. Excited na kong makita si Merchi. Namiss ko ang isang yun at paniguradong marami na naman ang chika nun. Matapos ang ilang taon na pag aayos ay nagdesisyon na kong bumaba. Narinig ko naman ang pagbusina ng sasakyan kung kaya’t mabilis na akong nagtungo sa labas dahil mukhang balak talaga nila kong iwan. Mga walang hiya.

“Iiwan niyo talaga ko, my? Grabe naman.” Nakanguso kong saad pagkabukas ko ng pinto ng kotse.

“Eh ang tagal tagal mong kumilos malilate na tayo sa lunch date kasama sila.” Saad ni mommy nang hindi man lang ako nililingon. Bumaling naman ako kay Xion na wala namang pakialam at nakatutok lang sa phone niya habang si Zev naman ay naglalaro ng sonic sa cellphone ni mommy. Pumasok na ko sa loob at tumabi sa kinauupuan ni Zev.

“Eh kasi naman My, nakalimutan ko. Akala ko ay bukas pa yun.” Saad ko pa.

“Hindi ba’t pagkarating niyo kagabi ay sinabihan ko kayang maaga tayong aalis? Ano’t tinanghali ka ng gising? saad ni mommy saka palang ako nilingon.

Napakunot ang noo ko dahil hindi ko naman maalala na may sinabi si mommy sakin tungkol dun.

“Hindi niya yan My maaalala dahil lutang yan kahapon pa. sabat nman ni Xion.

“Magtigil ka, Xymonn. Tss.   asik ko saka tumalikod sa gawi niya.

Nakakainis to, ilalaglag pa ko eh.

Nakarating din naman kami kaagad sa bahay nila Tito Jonas, kaya naman dumiretso na kami sa loob at naabutan ang iba pa naming pinsan na nasa sala. Nang makita naman ako ni Merchi ay agad itong nagtatakbo papunta sakin saka yumakap.

“ Namiss kita, Couz.Ang ganda ganda mo pa rin.” saad niya pagkatapos naming magyakapan.

“Namiss din kita kaya nga excited ako nu'ng malaman ko kay Mommy na uuwi na kayo.  

You're Still The OneWhere stories live. Discover now