✨CHAPTER THIRTY SEVEN✨

2 1 0
                                    

"Cxiara, siya na yun" saad ni Jilleen.

Kumurap kurap akong tumingin sa harap dahil sa lapit ng lalaki sa akin. Ano bang problema ng isang to?

Tiningnan ko siya ng masama at saka ako humakbang paatras.

"Aray naman!" reklamo ng isa.

Nilingon ko naman ito at humingi ng paumanhin.

"Sorry Miss. Diko sinasadya." paumanhin ko.

Nang lumingon ako ay nandun pa rin ang lalaki. Diretsong nakatingin lang sa akin. Dahil sa nakakairita ang titig niya ay agad akong umiwas ng tingin. Saka hinila si Angel. Bahala na si Jilleen dun.

"Aray naman, Cxiara. Hindi naman masakit"

"Bilisan na natin, Gel. Paniguradong matatalakan na naman ako ni Sheena. Malamang kanina pa naghihintay yun" saad ko at dali daling naglakad.

Pagkarating ko sa may gate ay nakita ko naman si Sheena na nakabusangot. Nang malingunan kami ay agad kong napansin ang apgtaas ng kilay niya at pagkibit balikat.

"Ang tagal naman ata?" bungad niya.

"Sorry, nagkagulo lang kasi dun sa may baba ng department namin" saad ko.

"Kaya nga, iniwan na nga namin si Jilleen" dugtong pa ni Angel.

"Paanong nagkagulo?" curious na tanong ni Sheena

"Dumaan kasi dun yung sinasabi daw nilang gwapong Engineering. Kaya ayun, nagkanda baliw ang mga babae"  paliwanag ko.

"So, nakita mo na? Gwapo ba talaga?" naeexcite na tanong ni Sheena.

Yung kaninang banas na mukha, napalitan ng excitement. Ibang klase talaga.

"Ewan ko" saad ko at nagkibit balikat.

"Angel, gwapo ba?" baling niya kay Angel.

"Sa totoo lang, oo gwapo siya kaso mukhang suplado. " saad ni Angel.

"Ma-hunting nga bukas" natatawang sabi ni Sheena.

"Sumbong kita kay Guandino" babala ko.

"Eto naman, hindi na mabiro"

"Tara na nga. Gel, sabay kana samin. Magcommute lang din kami"

"Hindi na, susunduin ako ni Daddy. May dinner daw kasi kami sa resto kasama sila mommy. "

"Ganun ba? Osige. Mauna na kami sayo. Ingat ka" paalam ko at saka nakipagbeso.

"Ingat din kayo. See you bukas" kumaway pa siya nang makasakay kami sa jeep.

"Hindi mo ba talaga alam kung gwapo yung engineering student?"pangungulit ni Sheena

"Hindi ko alam. Nakakaintimidate siya." saad ko.

"Eh sinong mas gwapo, si Deibson o yun?"

"Syempre, si Deibson" agaran kong sagot.

"Sigurado ka?"

"Oo nga" para lang magtigil siya.

Nakarating naman na kami sa patutunguhan namin. Nandito kami sa Party Needs. Mamimili kami nung mga kakailanganin sa birthday ni Vanessa.

"Okay na ba lahat?" ani Sheena.

"Okay na. Nadouble check ko na lahat. Bale, yung sa chocolate fountain nalang ang wala. Pero nacontact ko naman na si Kie. Siya na raw bahala" sagot ko.

"Mabuti naman. Sandali, tawagan ko si Travis, pasundo nalang tayo"

"Sigurado ka?" nag aalangan kong saad.

You're Still The OneWhere stories live. Discover now