✨CHAPTER ONE✨

50 10 12
                                    

Naku naman Cxiara! Palagi ka nalang ba talagang magbababad dyan sa laptop mo?! Wala na bang iba? Summer na summer dapat nasa beach ka o di kaya naman kahit sa resort pool nalang.

Puro ka nalang Facebook! Youtube! Twitter! Instagram!

Wala na bang iba? Haler?! Daming choices sis! Change change din ng plans in life kapagka may time.

Ako nga pala si Cxiara Shaun Meramin Nuesco. 20 years of age. Maganda. Maganda at maganda. Joke. Slight lang naman .

Summer po ngayon, pero wala ee... Walang ganap ang buhay ko ngayon . Walang outing, walang swimming o kahit anong galaan. Masyado akong taong bahay kaya walang labas labas.

Sa ngayon, nagsscroll ako sa facebook ko. Kakatapos ko lang magtwitter. At dahil bored na ko dun, nag Facebook naman ako.

"Boring!" sigaw ko.

Hays. Wala ng kwenta pati sa Facebook. Makapagpost nga ako. Kunwari madrama para malito na naman ang mga tao sa ganap ko. Total naman ang hilig nilang mag abang sa ganap ko sa buhay. Osige, buhayin natin ang dugong chismosa nila.

Create Post

Minsan kana nga lang magmahal tapos lolokohin ka pa, iiwan ka pa. Lahat ba talaga nang iiwan? Bakit?

Post Now...

Ayaaan!!! Napost na, asahan na namang merong intrimitida na magcocomment dyan. Mga tao pa ba dyan sa baranggay namin. Naku! Daig pa mga CCTV kung magbantay sa buhay ng ibang tao. Ewan ko nga kung yumayaman ba sila sa ginagawa nila.

Ting! ( Tunog Yan ng messenger ko)

Glendy:
Asan ka? Gala Tayo? Bulok na ko sa bahay ee.

Reply:
Nasa bahay ako. Nakakatamad. Bukas nalang. ^_^

Glendy:
Palagi naman ee. Oh syaa. Sigeee. Ayain ko nalang sila Jilleen.

Reply:
Okayy. Tinatamad talaga kasi ko. Init ee.

Seen.

Toot!!

Quelwin Leo Pelsy commented on your post.

Sinasabi ko na nga ba at magsisimula ang pangchichismiss sa akin. Matingnan nga kung isa to sa mga CCTV dyan sa baranggay.

Loading....

Minsan kana nga lang magmahal tapos lolokohin ka pa, iiwan ka pa. Lahat ba talaga nang iiwan? Bakit?

12 😥/ 1 Comment /Share

Comments

Quelwin Leo Pelsy
- Hindi naman lahat eh. Mayroon pa namang natitirang kayang manatili kahit na sobrang hirap na ng sitwasyon.

Nang mabuksan ko ang notifications ay may ilan na ring nagcomment pero ang comment na yan talaga ang parang nakapagpainit ng ulo. Naku, nanggigil ako. Meron paman din akong dalawa ngayon.

Ayy aba! aba! Sino naman tong lalaking to? Tinamaan ata sya sa post ko. Baka manloloko rin to. Hahaha. Mapatulan ngaa ..

Reply to Quelwin's comment on your post.

Aba? Eh sa ganun ang pagkakaalam ko. Tsaka diba? Ganyan naman kayo. Pag may nakitang iba , bilis niyo agad kaming bitawan porke alam niyong mas better yun.

Ayan! Manahimik ka kuyaa. Di kita inaano dyan noh? Masyado kang papansin. Let us see kung kayanin mo ko.

Pagkatapos kong magreply ay bumalik din ako sa news feed at nagscroll pa ng nagscroll. Magsshare ng posts kapagka natawa o nagustuhan. Ket walang kinalaman sakin, basta feel ko maganda yung posts e isshare ko. Bahala ng maguluhan ang mga chismoso/chismosa sa estado ng buhay ko. Total naman kulang sila sa balita. Mga patay gutom sa chismiss.

You're Still The OneWhere stories live. Discover now