A/N: Nahihirapan akong sundan ang chapter 11 pero thank you kay ate_unwanted sa ideas. Kaya naman dindidedicate ko po ang chapter na to para sayo. Maraming salamat.----
Pagkauwing pagkauwi namin galing Sorsogon ay dire-diretso kaming lahat sa kwarto dahil latang lata kami sa sobrang pagod. Kahit nga si Zev ay binuhat nalang ni Xion dahil tulog na tulog na ito, hindi naman naming pwedeng gisingin dahil paniguradong iiyak lang yun. Inabot na nga kami ng gabi dahil sa haba ng byahe. Nakakapagod kasi talaga. Pero ayos lang dahil worth it naman yung pagod. Tsaka minsan lang kami makapag out of town. Buti nga at pumayag si Mommy na kami kami lang. Kasama din naman kasi naming si Kuya Zep at Tito Lucas, kaya lang sa ibang cottage sila pumwesto dahil kasama nila yung mga jowa nila. Ayaw man lang paistorbo.Tsaka okay na rin yun dahil mas naenjoy naming na kami kami lang, dahil kung naandun sila mommy., panigurado, walang harutan moments kay crush. Kaya nga sinulit ko na dahil syempre pagkakataon ko na iyon para makasama si Deibson.
Pagkapasok ko sa kwarto ay siya namang diresto ko sa paghilata dahil pakiramdam ko wala ng lakas yung katawan ko para tumayo pa ng pagkatagal tagal. Alam mo yung pakiramdam na pagod na pagod ka pero hindi mo magawang makatulog? Ugh,ganun ang sistema ko ngayon. Dahil hindi pa naman ako makatulog ay nagdesisyon akong i-upload nalang sa facebook yung mga pictures naming kanina. Nilagyan ko na din ng maikling caption para naman kabog na kabog.
“Never been this happy. Loving summer vacation right now.”
#SubicBeach!POST NOW….
Pagkatapos kong magpost ay kinuha ko si Stitch saka ko ito pinag kakausap na akala mo naman ay sasagot itong talaga sakin. Hindi ko naman kasi pwedeng tawagan si Sheena dahil malamang tulog nay un tsaka gigisahin lang ako nun ng mga katanungan.
"Baby, ang saya ko ngayong araw na to. Omoo. Nakasama ko lang naman ang daddy mo. Yiee. Kinikilig pa rin ako sakanya hanggang ngayon. Alam mo, binuhat niya ko kanina, feeling ko tuloy nun eh para kaming bagong kasal. Gusto mob a yun, ha, stitch? Magkakadaddy kana pagka nagkataon. “patuloy ko pang pagkkwento sa stuff toy ko.
Ngiting ngiti pa ako habang nilalaro laro ang magkabilang tenga niya.Ibang iba nga talaga ang epekto sakin ni Deibson, para akong mababaliw. Hays.
Bakit ganito nalang yung tama niya sakin? Eh hindi naman ako ganito kung magkacrush, dami ko rin naman na naging crush nitong huling school year kasi dami din namang gwapo sa school. Pero kita mo, hindi naman ganito naramdaman ko sakanila.
Inabala ko pang lalo ang pag iisip ko sa mga ganap kanina, inilapag ko nalang din si Stitch sa tabi ng unan ko dahil baka matanggal ko pa ang tenganiya dahil sa sobrang panggigigil. Inayops ko din ang pagkakhiga ko dahil baka anytime makaramdam na ako ng antok. Pinatay ko na rin ang lamp shade sa tabi ko saka hinila ang kumot. Pipikit n asana ako para pilitin ang sarili na makatulog ng bigla namang tumunog ang phone ko. Kaya napabalikwas ako dahil naka on pa pala ang data ko. Nakita ko pa sa notification ko na si Quelwin pala yun., kaya binuksan ko na rin.
Quelwin Leo Pelsy commented on your photo.
“Never been this happy. Loving the summer vacation now.”102 likes1 comment
Quelwin:
Ang ganda naman diyan, Ara. (Reply:
Hindi lang basta maganda, sobrang ganda pa.Pagkatapos kong magreply ay pumwesto na ulit ako para mahiga habang hawak pa rin ang phone. Tumunog naman muli ang phone ko , mula iyon sa messenger, hudyat na may nagchat sakin. Kaya naman tinignan ko ito.
WINWIN:
Ang ganda nung pinuntahan niyo. Kaya pala hindi ka nakapagchat sakin dahil nakakamangha naman pala talaga yung lugar. Parang gusto ko ding pumunta dun bigla.