Sandali ko pang tinitigan ang mga bulaklak na nasa table. Ewan ko ba, hindi pa rin ako makapaniwala. This is too good to be true.
"Hayy naku, my loves. Sobrang nakakagulat lahat ng to. Pero kahit ganun pa man, aaaahhckkkk, kinikilig ako"
"Three years! Three years din akong nabuang dahil sa pagkakacrush ko sayo tapos ngayon, eto na, nagconfess ka ng feelings mo at ngayon may pa flowers and chocolates pa!"
"Omoooo. Lord, maraming salamat. Alam ko po na andami dami kong kasalanan sainyo pero thank you po talaga kasi ayan nga po, ni-crush back na po ako ng crush ko"
I'm so blessed. Paano kumalma?! Aaahccckkkk.
Tiningnan ko pang muli ang bouquet. Hirap makaget over ah. In fairness naman kasi, sino ba namang nilalang ang makakaget over agad kung yung bulaklak na nareceive mo eh galing sa crush mo.
"Napakasweet mo naman pala kasi, my loves"
"Saglit nga at magpipicture ako. Muntik ko pang makalimutan. Unang gift din to na nareceived ko mula sa crush ko noh, kaya dapat may remembrance"
Pagkatapos kong kumuha ng pagkarami raming picture eh itinabi ko na muna ang bouquet upang kumuha ang vase para ilipat dun ang mga bulaklak. Para at least diba, umabot ng ilang araw bago malanta.
Binuksan ko ang cabinet na nasa may malapit sa pintuan kung saan nakatago ang mga pinaglumaan kong gamit.
"Ang alam ko eh, andito yung vase na yun eh. Asan na ba yu---ayy ito!"
Pinunasan ko muna yung vase saka ito nilagyan ng kaunting tubig.
"Ayan, my pretty roses. Ililipat ko muna kayo dito sa vase para fresh kayo hanggang bukas at susunod pang bukas kung kakayanin" nakangiti kong sabi.
Habang iniisa isa ko silang tanggalin ay may nahulog na papel sa isa sa mga bulaklak.
"Oh? Note ba yun?!" dali dali ko itong pinulot.
Syempre naman excited ako noh. Dzuhh.
"Owemjii! Hindi pa pala tapos. Meron pa pala!"
Agad kong binuksan ang note, nakatupi kasi ito ng pagkaliit liit kaya pala hindi ko nahalata kanina.
Rose are red.
Violets are blue.
When I see you smile, it makes me fall for you deeper too.Good morning, Cxiara. Have a nice day.
-DIA<3
"Ang corny pero pwede na rin. Huhuness. Kilig oveload na ba to?"
"Kita niyo yun roses? May pa letter pa pala ang aking Deibson my loves. Kumpleto na araw ko. Excited na ko mag umaga ulit"
Grabe talaga ang kasiyahan ko ngayong araw. Nakakatuwa lang talaga. Ang daming pakulo ng aking my loves.
"I think I'm in love"
Napapakanta tuloy ako sa sobrang sayaa. Omoo. Somebody help. Gusto kong magtitili ulit.
Matapos maglagay ng mga bulaklak sa vase ay siya namang kuha ko nung chocolates at nilagay sa drawer. Baka kasi kapagka nilagay ko sa ref eh kainin naman ni Xy. Hindi pwede noh, kay Deibson galing yun.
At dahil nga syempre, balot pa rin ng kakiligan ang sistema ko, wala na akong ginawa kundi ang magpagulong gulong na naman sa kama ko. Eh kasi naman, mabubuang ata ako kapagka hindi ko itinodo to.