✨CHAPTER FIVE✨

8 2 0
                                    


This chapter is dedicated to Panes_Mae143, Penywice and PoisonousMask. Thank you guys.

-----
Sobrang ingay na agad ng mga tao sa court, kahit na hindi pa nagsisimula.  Papasok palang kami ng court pero dinig mo na ang kantyawan ng fans ng bawat team.

"Nice, namiss ko ang ganitong eksena. HAHAHA. Ready kana bang magsisigaw mamaya, Ara? " tanong sakin ni Sheena na ngayon ay ngiting ngiti.

Huwebes ngayon at ito ang unang beses na magkakalaban ang Zone 1 at Zone 4. Team nila Deibson, my loves at ng mga pinsan ko.

"Oo naman. Handang handa na. Ako pa ba?" Excited ko namang tugon.

Hindi na maalis sa labi ko ang lapad ng ngiti ko dahil sa wakas, after a year makikita ko na ulit na maglaro si Deibson. Wahhh. I'm just so happy and at the same time, I'm so kinikilig pa rin until now.

"Eh ano pa bang hinihintay natin? Bumili na tayo ng tubig para may maiinom tayo mamaya. " wika niya at saka naman kami dumiretso sa may tindahan.

Pagkabili namin ay sakto namang pumito na ang referee hudyat na magsisimula na ang laro . Kaya naman dali dali kaming tumakbo ni Sheena dahil gusto naming masimulan ang game.

"Excuse me. Excuse me." sabi ni Sheena habang nakikipagsiksikan sa mga taong nanunuod dahil gusto namin nasa unahan kami. " Makikiaraan lang. Ate, padaan. Salamat" magaling talaga tong si Sheena pagdating sa ganito, palibhasa kasi maliliit kami kaya walang kahirap hirap na nakalusot at agaran din kaming nakarating sa unahan.

Kasali sa First 5 sila Drew, Steve and Kuya Zep, tapos yung dalawa pang taga samin din. Malamang alangan namang taga ibang baranggay yung isali sa team namin diba ? God, Ara! So, ayun nga yung dalawa kasali na dun si Captain Ramsey at Kuya Juls.
Sa kabilang team naman ay naandun syempre ang paloloves kong si Deibson at tsaka si Austine, ang bestfriend niya. Magaling ding maglaro yung si Austine. Gwapo din at saka matangkad. Siguro kung 6'2 ang height ni Deibson ay Baka nasa 5'9 din siya. Well, hindi ko sila masisisi, lahing matangkad din naman mga yan. Tapos may tatlo pa silang kasama na hindi ko naman alam kung sino.

"Go, Kuya Zep! " sigaw ni Sheena dahil si Kuya Zep na ngayon ang may hawak ng bola habang binabantayan naman siya nung number 20 na si Falcon.

Nagsisimula palang ang laban pero nagsisigawan na agad ang mga manunuod. Luminga linga naman ako dahil hinanap ko muna sila Kierwyn dahil hindi ko na makita.

"Alcondeo, for two points" rinig kong sabi ng announcer kaya agad naman akong napalingon muli sa court. Syet! Hindi ko nakita yun. Nakakainis.

Patuloy naman sa hiyawan ang mga manunuod. Maging yung mga babae sa tabi ko ay nagtatatalon. Kaya naman naiinis tong mga katabi namin .

"Ano ba yan, sa kabilang side nga kayo ng court. Ang iingay niyo. Kalaban naman yang chinicheer niyo. Sasakit niyo sa tenga. " reklamo ng isang babae na tingin ko ay may edad na rin.

"Ay sorry naman po ,Ale. Ang galing lang kasi ni Alcondeo. " pagpapaumanhin ng babae.

Duh? Alam ko namang magaling yang si loves ko. Tss. Hindi ko yan ipapatalo. Kung hindi nga lang mga pinsan ko ang kalaban nila ay kanina pa ako dito nagtatatalon.

Nang lumingon akong muli sa court ay si Deibson na ang may hawak ulit ng bola. Nagddribble siya habang patuloy na iniiwasan ang mahigpit na pagbabantay sakanya ni Captain Ramsey. Umakto pa siyang magshoshoot ng bola na halata namang fake lang dahil wala siya sa tamang pwedto para maishoot yun kaya lang ay pinatulan ni Captain ang patibong na yun ni Deibson kaya siya nakalusot at dire-diretsong drinibble ang bola at saka nag lay up shot sa ring ng makalapit ito.

You're Still The OneWhere stories live. Discover now