"Xy bilisan mo na, malilate kana naman niyan. First day of school, kukupad kupad" saad ko.
Paano ba naman, paalis na ko ng bahay, siya maliligo palang. Aba, matapang ang isang to.
Sa sobrang excitement kong pumasok sa school eh ang aga aga kong nagising.
"Mommy, aalis na po ako" paalam ko kay Mommy.
"Alright. Ingat, Cxiara. Godbless sa first day." tugon naman niya.
Lumapit naman ako kay Zev at saka ito ni-kiss sa cheeks.
"Bye ate. Goodluck!"
"Ikaw din, Zev. Goodluck. Magpakabait sa teacher, opo?"
Tumango namna ang kapatid ko at saka naman ako tumalikod na upang pumasok sa school. Magcommute lang ako kasi naman, yung kapatid kong sasabayan ko sa school aba, ayun parang tamad na tamad sa buhay.
Nakarating din ako agad. Konti palang ang mga estudyante, dahil siguro sa mag aala syete pa lamang.
Dire-diretso naman akong nagpunta sa building namin. As usual, dati dati lang din. Pagdating ko ay naabutan kong naandun na din si Angel.
"Cxiaraaa!!!" salubong sa akin ni Angel, kaibigan ko.
"Long time no see." saad ko.
"Oo, ikaw ba naman di sumipot sa mga lakad natin. Napakabusy na tao" tatawa tawang saad niya.
"Babawi ako ngayong may pasok na" nakangiti kong tugon.
"Wala pa rin ba si Jilleen?" tanong ko.
"Wala pa. Kilala mo naman yun, hakot award sa pagiging late. Kaya hayaan mo na. Buti nga at napaaga ka ngayon. Ano to? Bagong buhay na ba?"
"Oo naman. New life na this." tatawa tawa kong sabi.
Ilang minuto pa kaming nagtsismisan dahil nga napakarami kong namissed na chika at ganap sa buhay.
Umikot lang naman kasi ang mundo ko kay Deibson nung summer eh.
"Good morning, class"
"Good morning, Sir."
Greetings lang pagkatapos ay nagdiscuss na si Sir ng mga magiging topic namin ngayong first sem. Magkakakilala na naman na kami kaya dina kelangan ng introduction thingy.
Natapos ang una at pangalawang subjects ng mapayapa. Nagkaroon nga lang agad ng recitation kunu kanina sa major. Well, chineck lang naman daw ni Miss Maria kung naaalala pa namin mga diniscuss niya sa major last school year.
"Mga baklaa, kumain na tayo. Nagugutom na ako" aya ni Jilleen.
"Oo, tara na. Gutom na rin ako ee. Sakit sa ulo ng major" saad ni Angel.
Tunango naman ako at inayos na ang gamit saka sumunod sa dalawang nauna ng lumabas ng classroom.
Pababa na kami ng hagdan ng biglang tawagin ako ng isa sa mga classmate ko.
"Oh? Bakit?" tanong ko.
"Punta ka raw sa guard house sabi ni Kuya Toni. May padala daw dun para sayo.
Nagsalubong naman ang kilay ko dahil sa sinabi niyang iyon. Agad naman akong hinila ng dalawa kong magigiting na kaibigan. Habang ako ay napapaisip pa rin. Ngunit agad ding natigilan ng maalala kong...
"Syet, wala ba talagang palta yung pagpapadala niya ng kung ano ano? Ket nagyong first day ko sa school?"
Pagdating namin sa guard house ay nakangiti si Kuya na humarap samin. Saka siya pumasok sa loob at nang lumabas ay may dala dalang isang piraso ng rose at paper bag.