"Handa kana ba? Tara na!" aya ni Merch pagpasok niyang muli sa kwarto.
"Ehh, hindi ako kumportable sa suot ko, Merch. Masyadong maikli to at tsaka bakit kelangan pa ng make up eh sabi nga ni Sheenay tayo tayo lang naandun" pagmamaktol ko habang hila hila ang suot ko.
Sobrang ikli kaya, dzuuhh. Alam niyo yung dress na terno tapos below the knee yung length niya. Tapos lakas makasleeveless. Basta, yun na yun.
"Ano ka ba naman, gusto mo ba mag long gown?Sakto lang naman ang ikli niyan ah?Tsaka makapag inarte ka, para namang hindi mo kinahiligan ang dress dati"
"Dzuuhhh, noon yun noh, people change."
"Tama na ang arte. Tsaka isipin mo nalang na need mo yan kasi huling silay mo na din yan kay Deibson"
Teka nga, bakit ba ako nag eeffort masyado para sakanya? Dzuhh, party ni Austine yun. Tsaka dapat sa oras na to, chill lang ako. Baka sabihin niyang masyado akong naoverwhelmed sa confession niya kaya nagpakagirly ako ng tuluyan. Tss
"Ah basta. Ayoko talaga nito, Merch. May iba ka pa bang damit?I mean yung mas decent naman, wag naman to. Baka mamaya nanigas na ako sa lamig dun"
"Oh?Huwag kang mag alala, harutan mo nalang mamaya para yakapin ka ng my loves mo" bigla ay saad ni Sheena na kakarating lang.
"Oo nga" sang ayon naman ni Merch.
"Wag mo nga akong igaya sayo , Shee. Not like that, ew."
"Ang dami niyong hanash. Tara na at malilate na tayo. Usapan alas tres, anong oras na?" wika ni Sheena saka umirap.
"Eh kasi naman, magpapalit ako talaga."
"Jusko naman, Cxiara Shaun ngayon pa talaga. Oh siyaaa, bilisan mo. Mukha kana sanang tao diyan sa suot mo eh. Oh, hala, sige, magpalit ka ng basahan"
"Basahan mo mukha mo. Diyan kana nga."
Bumaling naman ako kay Merch at saka niya inabot sakin yung isa pang damit na nahalungkat ko kanina sa closet ko.
Pagkatapos kong magpalit ay umalis na kami agad.
"Napakaarte mo talaga, Cxiara. Sayang yung damit mo kanina. Ang ganda na nun ee" angal pa ni Sheena.
Kanina pa siya paulit ulit sa katatalak dahil sa pagpalit ko ng damit. Diko nalang din siya pinapansin kasi sira na talaga utak niya. Joke.
"Tingnan mo, mukha kang basahan diyan sa suot mo ngayon, kaso okay lang naman pala yan, kasi ket naman noon mukhang basahan kana kay Deibson" tawang tawang saad niya.
"Hoy, sheenay ah! Abusado ka" saway ko sakanya ng natatawa nalang din.
Kung alam mo lang naman kasi. Baka ikinabaliw mo din.
"Himala ata yan at nangingiti kapa sa pang aasar sayo. Parang diko madama yung awra ng umuusok ang ilong at tenga"
"Naku, hindi mo pa nga pala kasi alam,Sheen." saad naman ni Merch.
"Alam ang alin?"
"Wag mong sabihin sakanya, Merch. Hayaan mo siyang mag isip. Ayy-- kaso wala naman pala yang isip" sambit ko sabay tawa ng malakas.
"Hanep ka talaga. Ano yun Merch? Sabihin mo sakin, dalii!
Napakademanding ng isang to. Pasalamat siya mabait yang pinsan ko't hindi siya pinapatulan.
"May nagpadala kasi sakanya ng flowers and chocolates kaninang umaga" kinikilig pang sabi ni Merch.
Nilingon ko naman si Sheena dahil bigla siyang natahimik. Nasa loob nga pala kazi kami ng sasakyan ni Kuya Zep, nagpahatid nalang kami eh.