🎶 I'm a barbie girl in a barbie world, life in plastic, its fantastic🎶
Mom's Calling...
"Yes my? Bakit po?" bungad ko.
"Just want to remind you na you need to go home tonight. Maaga nating susunduin ang mga kapatid mo sa terminal bukas." wika niya sa kabilang linya.
"Ah, oo nga po pala. Sige po my, papahatid nalang po ako kila Jiro." sagot ko.
"Good. Sige na, take care." paalam niya.
"Yes my. Babye" paalam ko tsaka ni-end na ang call.
Uuwi na nga pala ang mga kapatid ko bukas.
"Si Tita Rita? Bakit daw?"tanong ni Sheena.
Nasa covered court kasi kami ngayon ,nanunuod ng basketball. May game kasi sila Kuya Zep kaya nanuod kami. Road to championship na ito kaya dapat ay maipanalo nila. Waiting nalang din naman kasi sila Deibson dahil nanalo na sila kahapon.
"Uwi daw ako ngayong gabi dahil maaga kami bukas para sunduin sila Xion sa terminal." tugon ko naman habang sa court pa rin nakatingin.
"Ayy, uuwi na sila Xion? Napaaga ata?" pagtatanong niyang muli.
"Oo eh, pupunta daw kasi si Dad sa Palawan next week for business kaya ayun, since wala din naman si Dad, nagdecide silang bumalik nalang dito." saad ko.
"Eh di mabuti, para kasama natin sila sa Championship. Mas masaya yun. Tsaka diba, may plan tayong magswimming next week. Kaya saktong sakto." masayang tugon naman niya.
"Yeah, right. Okay na din yun dahil miss ko na rin yung dalawa."
Napatayo kaming pareho ni Sheena dahil nakita naming itinulak ng isang player si Steve tsaka ito pinatamaan ng tuhod sa binti.
"Oh, syet! Tinulak si Steve." komento ko.
"Ay tragis lang. Hoy! Wag mong tinutulak ang kapatid ko! Madaya kang gorilya ka!" sigaw naman ni Sheena na ngayon ay nagiging tigre na.
Nang makita naming hindi makatayo si Steve dahil napalakas ata ang bagsak niya ay tumakbo na si Sheena papasok sa court. Sinundan ko din naman siya dahil bawal naman kami dun.
"Shee, chill, bawal tayo dyan." pag awat ko sakanya.
"Hindi pwede, Ara. Injured ang kapatid ko dahil sa gorilyang yun. Malilintakan talaga yan sakin." asik niya at nagdire diretso papalapit kila Steve.
Inaalalayan naman na si Steve nila Jiro at Drew kung kaya't sinita kami ng referee. Hindi naman nagpatinag si Sheena kaya wala din akong nagawa kundi ang sundan ito. Kumuha din agad ng first aid yung first aider na naandun just incase may emergency na ganito.
"Lintik talaga yung gorilyang yun. Kapagka ikaw napilayan, pipilayan ko rin siya, or worst lulumpuhin ko pa. " nagsisimula ng pagtatalak ni Sheena.
Ganyan talaga siya dahil overprotective siya sa mga kapatid niya. Ayaw niya nga na may nakakaaway ito dahil sayang raw ang mukha nila kung magagalusan.
"Sheenay, tama na nga. Ang ingay mo na naman." pagrereklamo naman ni Steve.
"Magtigil ka, Steven Twain! Naiinis ako. Wag mo kong pigilan." asik naman ni Shee.
Dahil wala naman na akong magagawa sa init ng ulo niya ay hinayaan ko na siya at binigyan na lamang ng tubig . Nag aaalala lang naman to dahil sa nangyari kay Steve.