Pagkapasok ko sa loob ay siya namang sunod na pagpasok din ni Guandino.
"Oww. Kaya pala natagalan si Araray sa labas dahil nag antay pa kay Guandino" nakangising saad ni Jiro.
Lumapit naman ako sakanya saka siya binatukan.
"Abnormal ka talagang maissue ka!" asik ko sakanya saka ay umirap.
"Sus! Palusot ka pa eh" iiling iling niyang sabi.
"Mukha mo! Tigilan mo nga ako" saad ko naman.
Naupo nalang ako sa tabi ni Merchi dahil tumigil na rin naman ang kumag.
Bale nakapabilog na silang lahat. Ako, si Merchi naman ang nasa left side ko, katabi niya si Kierwyn at sunod si Steve at Austine, sa kanan ko naman ay si Sheena tapos ay si Jiro sunod si Deibson naman.
"Wazzup,bro?" bati ni Deibson kay Guandino.
"Oyy. Andito ka din pala dude" nakangiting sagot naman nito.
"Maupo ka pre" alok ni Kierwyn sa may tabi niya.
Sumunod naman si Guandino at naupo sa tabi ni Kierwyn kaya lang ay dipa man maayos ang pagkakaupo niya ay nagsalita naman si Sheena.
"Hep, sinong may sabing dyan ka uupo?" nakataas pa ang kilay na saad nito.
"Si Kierwyn?" alanganing sagot naman niya.
"Dito ka sa tabi ko umupo" wika pa ni Shee saka ay tinapik ang pwesto na nasa may kalagitnaan namin.
"Hala? Wag mong patabihin kay Araray yang si dude. Naku, delikado!" saad ni Jiro saka humagalpak sa tawa.
Tinapik ko naman si Shee at saka siya tumango pagkatapos ay humarap kay Jiro at binatukan ito.
"Aray ko naman! Inaano ka ba?" kunot noong angal ni Jiro.
"Sumusobra na naman yang tabas ng dila mo" wika ni Shee.
Tumingin naman siya sakin ng matalim.
"Kala mo naman talaga eh" reklamo pa niya.
"So, saan talaga ko uupo?" bigla ay sabat ni Guandino.
"Here, sit!" parang nag utos ng aso tong si Shee kaya natawa kami.
Kakamot kamot naman na umupo si Guandino sa tabi namin.
Pagkatapos ay nagsimula na kaming maglaro. Pass the Handkerchief daw.
Bale ipapasa mo lang ang panyo kasabay ng pagtugtog ng music. Dapat ay nakapikit ang lahat para walang dayaan. At kapagka tumigil na ang music ay siya ring tigil na ng pagpasa sa panyo.
Si Sheena ang nag umpisa at saka niya sinimulang patugtugin ang kantang bahay kubo.
Bahay kubo, kahit munti,
Ang halaman doon ay sari sari
Singkamas at talong, sigarilyas at mani
Sitaw, bataw, patani"Na kanino ang panyo?" tanong ni Shee.
Agad naman akong dumilat saka nilibot ang tingin. Napahagalpak naman ako dahil si Jiro agad ang napuntirya ng Panyo.
"Madaya naman, Sheena. Sinadya mo ata"
"Tangek ka ba? Kita mong nakapikit tayong lahat" asik ni Shee.