✨CHAPTER THREE✨

25 6 2
                                    

"Guys! Mamaya ah? Dapat pag three thirty nakapagbihis na kayo kasi magstart yung parade ng four. So, di tayo pwedeng malate. " paalala ni Sheena.

Naandito kami ulit kila lola, nung bumalik kasi si Sheena eh napagdesisyunan namin na dito nalang matulog. Kaya ito, habang nagbreakfast ay nag uusap usap na kami sa kung anong oras aalis mamaya.

"Yeah, right. Pero mauuna na kami,insan. Kasi alam niyo naman, kelangan 3'o'clock naandun na kaming players." wika ni Steven.

"Oo nga pala. So, bale ako, si Vane, Kierwyn, Tito Lucas and Ara lang pala ang magkakasama mamaya?" pagkukumpirma ni Sheena.

"Si Tito Lucas didiretso nalang yun dun mamaya. Nasa resort yun ngayon ee. Matao daw kasi dun. Kaya kelangan ng katulong ni Mamita. " paliwanag naman ni Vanessa.

"Okay. Sige. Kung ganun, mapapadali ang pag alis natin. Bale, susunduin ka naman ng 3:15 pm ,Ara. Tapos diretso na tayong court after. " ani Sheena at saka tumayo para kumuha ng tubig.

Tumango nalang din ako at saka nagpatuloy sa pagkain ko. Habang sila Drew naman ay parang mga tangang nagpipigil ng tawa dahil ikinikwento nila kay Steven yung nangyare kay Jiro kagabi. Umuwi din kasi si Steve sa bahay nila dahil may gagawin daw siya pero hindi kami naniwala dun. Nagmukmok at nag emote lang naman ata ito kagabi.

"Kung andito ka lang sana Steve kagabi. Naku, sasakit ang tiyan mo sa kakatawa. Hahahha" dinig kong sabi ni Drew.

"Nabalitaan ko din nga kay Sheena kagabi na may kalokohan daw na ginawa si Jiro. " tugon naman nitong si Steve.

"Gusto mong makita? Hahaha. May video ako dito. Baka kasi mahalata ni Jiro kagabi na nagpipicture ako kaya ni-video ko nalang para kunwari nagcecellphone lang ako habang sinesermonan siya ni Tito Raf. " hindi pa rin makaget over tong si Drew. Naku. Kung andito lang si Jiro baka nakatikim na ng batok ko.

Umuwi kasi ang loko kagabi pagkatapos pagalitan ni Tito Raf. Ni isa sa amin wala siyang pinansin. Hiyang hiya ata sa itsura niya kagabi.

"Ayan oh. Panuorin mo na Steve. Haha. Wag ka lang maingay kay Jiro. Sasapakin ako nun. " paalala pa ni Drew kay Steve.

"Yeah. Akin na. " kinuha naman na ni Steve yung phone at hindi pa nga nagtatagal ay humagalpak na din to sa kakatawa.

"Ay gago! HAHAHAHA bakit ganito itsura nito? Mukha siyang babaeng tinubuan ng maraming balbon sa paa at nagpasan ng sandamakmak na sako ng semento sa laki ng katawan. " sunod sunod na komento ni Steve na ngayong ang lakas ng tawa kasama sina Kierwyn at Drew.

Nung malaman kasi ni Tito Raf ang ginawa ni Jiro sa anak nitong si Nico ay pinagsuot din nito si Jiro ng dress at saka nilagyan ng lipstick. Kaya naman itong mga bugok kong pinsan ay natatawa pa rin hanggang ngayon. Hindi nila naitodo kagabi ee. Kaya ngayon nila itinuloy. Mga bugok talaga.

"Hanep yan ,Bro. HAHAHAHA. Laughtrip yang itsura dyan ni Jiro. " komento naman nitong si Kierwyn.

Pinanuod pa rin nila yung video at panay tawa pa rin ang mga ito. Nakisilip na din kami nila Sheena kahit na nakita na namin yun kagabi.

"Walang kupas. In fairness bagay sakanya yung dress ko ah. Pero aminin niyo ,ang gandang babae ni Jiro. Kung hindi nga lang malaki ang katawan. " tatawa tawang sabi ni Sheena.

"Naku. Pwede na nating ibugaw to sa kung kanino. Mapagkakakitaan natin yan. Hahaha" suggestion naman ni Steven. Umandar na naman ang mga utak ng mga to sa kalokohan.

You're Still The OneWhere stories live. Discover now