Kinabukasan ay hindi pa rin ako pinalabas sa hospital dahil may isang Doctor ang pupunta upang tanungin ako sa mga bagay bagay para daw mas madaling maidentify if ano ba talagang nangyayare sakin.
"My, what time daw po ba pupunta si Doktora?"
"It'll be this afternoon at four o'clock. Kaya please, anak ,tell everything to her para mas mapadalu ang recovery mo"
"Opo, my. "
"Nga pala, papunta na rin yung mga pinsan mo dito mamayang tanghali. Naipagpaalam kana rin ni Sheena sa mga professor mo kaya ayos lang daw kahit hindi ka muna makapasok ng ilang araw."
"Ganun po ba? Sige po"
I'm a barbie girl in a barbie world. Life in plastic, it's fantastic...
"Deibson's Calling" saad ni Mommy.
Agad namang inabot ni Mommy ang phone ko.
"H-hello?"
"Cxiara... how are you?" panimula niya.
Mahahalata mo sa boses niya ang pag aalinlangan maging ang pag aalala.
"Okay naman na ako. No worries"
Tumingin naman ako kay mommy at sumenyas itong lalabas daw muna.
"You sure? I'm so worried about you. I was trying to call your phone but it cannot be reached. That's why O decided to call Jiro and dun ko nalaman na nasa hospital ka pala"
"Ayos naman na ako"
"Thanks God. I don't know what will I do if something bad happened to you"
"Grabe naman. Hindi basta basta sakit. ng ulo ang papatay sakin noh"
"Don't joke like that"
"Sorry naman. Wala ka bang pasok at tumatawag ka?"
"Meron. But then, nung marinig kong nagriring na ang phone mo ay nag excuse ako sa prof na may emergency lang"
"Hoy, wag kang magbiro ng ganyan. Ikaw talaga"
"I'm worried sick since last night. Kaya bahala ba si Sir. Nag excuse naman ako. And by the way, sorry if I lied to my prof. I just really want to check on you"
"Okay na ako. Ano ka ba. Sige na, bumalik kana sa klase mo."
"Please be more careful, Cxiara. I wasn't there to protect you" mas naging malambing ang boses niya at madadama mo talaga ang sensiridad nun.
"Yeah. Thank you. Ikaw din ingat"
"Of course, I will. Mamahalin pa kita ee"
"Tsee. Sige naaa. Babye naa. Aral kang mabuti"
"Alright. I'll hang up now. I love you"
Hindi na ko nagsalita pa at in-end na ang tawag. Nangingiti naman akong nakatingin sa phone ko dahil sa nag iwan pa siya ng mensahe.
Deibson:
I'll study hard for our future. I love you. Get well soon. <3"Pasaway talaga siya." iiling iling kong sambit.
Dahil wala naman akong magawa sa loob ng kwarto at wala naman akong kasama ay nanunod na lamang ako ng TV hanggang sa nakatulog na pala ako. Nagising nalang ako dahil sa mga bulungan na naririnig ko. Bukas pa rin naman ang TV pero nasisiguro kong hindi iyon galing doon.
"Nakabalik na pala siya"
"Oo, at nakasalubong ko siya kahapon."
"Nagkita na ba sila?"