Nawindang naman ako sa pa chocolate and roses ng inyong lingkod na si Deibson Ian Alcondeo. Charot. Ang nag iisa kong myloves.
Gusto ko ng magtatalon sa tuwa at kilig kaso mukhang may masamang pangitain ang paparating.
"Oh? Ba't ganyan ka makatingin?!" asik ko kay Xy.
"Why did he give you that?" nakataas pa ang kaliwang kilay niya matapos magtanong.
"Ewan ko. Eh di sana tinanong mo diba?"
"Is he courting you?"
"C-courting?" ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko. Talipandas! "H-hindi noh. Dzuhh" tugon saka siya inirapan.
"You're not still allowed to be in a relationship,Ate" matigas niyang sabi.
"Sino ba may sabing magjojowa na ko? Dzuhhh. Bulaklak lang to at tsokolate, chill ka lang bro"
"Well, baka lang naman kasi marupok ka at magpaligaw kana naman"
"Hoy! Anong marupok?! Hindi noh. Maria Clara to. Dapat pakipot muna"
"You really are stupid"
"Stupid mo mukha mo. Inggit ka lang. Dyan kana nga. Epal ka"
At bago pa masira ang araw ko, pumasok na lamang ako sa kwarto at baka hindi ako makapagtimpi. Magsisimula na naman kasi yung manermon, I know.
"Teka nga, sa pagkakatanda ko, ako ang mas nakakatanda though mas mukha akong bata. Aba, abusado talaga ang isang yun!" saad ko sa sarili.
Pero sa halip na mastress pa dahil dun eh dali dali akong lumapit muli sa pinto at saka ito isinarado. Pagkabalik ko ng kama ay syang hawak ko ulit sa isang bouquet ng roses.
"Kyaahhhhh!!!! Huhuness! Kinikilig ako!"
Inamoy amoy ko pang muli ang roses. Well, ambango niya. Nakakatuwa. Wahhh. Pulang pula at mukhang mga bagong pitas pa ang mga to. Sobrang fresh.
"Enebe nemen yen Deibson my loves." saad ko habang nakatitig sa mga rosas.
Nanliligaw na kaya siya? Totoo nga kaya yung naisip ni Xy? Eh paano nga kaya kung way na to na pinapahiwatig niyang nanliligaw na siya?
"Omoooo!!!! I cannot!! Hindi ko matanggap" naiiyak iyak ko pang sambit.
Hindi lang kasi talaga ako makapaniwala kasi akalain mo yun.
"Owemjii!!!! Saan galing yan?!" gulat na gulat na tanong ni Merch na ngayon ay kagagaling lang sa CR.
"Merch!! Owemji talaga!" sabay na kaming nagtitili.
Masaya talagang kiligin kapagka may kasamang kaibigan. Todo tilian lang, ganun.
"Pero sandali, kalma. Kumalma tayo." saad ko saka naupo at nilapag ang bulaklak sa side table. Sasabihin ko ba sakanya?
"So, ano nga? Kanino galing yan? Yan ba yung sinasabing delivery daw sayo?"
"Oo, ito nga. Si Xy na yung nag received. Pagbaba ko, nakuha na niya, kaya ayun, hindi ko naman alam kung kanino galing" kunwari ay nalulungkot kong sabi.
Well, gusto ko sanang sabihin kay Merchi to, kasi nga pinsan ko naman siya kaso ewan ko ba. Parang mas gusto ko nalang na ako nalang muna ang nakakaalam. Para alam mo yun, kung masaktan man eh di ako nalang.