"Nakakapagod talagang magtatakbo, Ara." saad niya tsaka nagpunas ng pawis sa kanyang leeg."San ka nakakita ng taong tumatakbo na hindi napapagod?" pambabara ko.
Siya kasi tong nag aya na magjogging kami ngayong umaga tapos panay naman ang reklamo niya nung nagsisimula na kaming mag-jog. Naku talaga to.
Ayaw ko pa nga sanang sumama dahil ngayon din namin susunduin yung mga kapatid ko. Kaya lang mapilit lang talaga itong si Sheena.
"Ay ewan ko sayo." tugon niya. "Kain din muna tayo ng pansit dyan kay aling Nuring bago tayo umuwi. " dagdag niya pa.
"What?! Pagkatapos nating magtatakbo tapos kakain lang din naman tayo? At carbo pa talaga ang napili mong kainin? You're unbelievable, Sheen." gulantang kong tanong sakanya.
Aba, sayang din naman kasi ang pagod namin kung kakain lang din naman kami after. Baka nga gusyo niya rin matulog?
"Sige na naman. Namiss ko yung pansit ni Aling Nuring eh." saad niya saka ngumuso.
Wala din naman akong magagawa dahil pipilitin lang din naman ako nito. Buti nalang talaga at hindi namin kasama yung iba pa naming pinsan, dahil kung oo, malamang hindi uubra ang mga himutok nito.
"Oo na, tara na. Pumunta na tayo dun at baka matagalan pa tayo. Alam mo namang ngayon namin susunduin sila Xion sa terminal." pagpapaalala ko sakanya at tsaka nagpauna ng maglakad.
"Oo nga pala noh? Mukhang magiging kawawa kana naman, Cxiara Shaun. " tatawa tawa niya pang sabi.
"Magtigil ka, Sheen. Tss. Panira ka ng araw." asik ko sakanya.
Nang makarating kami sa tindahan ni Aling Nuring ay agad na umorder itong si Sheena ng pansit at may kasama pang toron. Abusado talaga. Ako naman ay umorder nalang ng isang toron at milo na rin dahil hindi ako nakapagmilo kaninang umaga sa kakamadali ng isang to.
"Anong oras niyo susunduin sila Xy?" tanong niya saka kumagat sa toron na hawak niya.
"Alas otso, kaya bilisan mo na dyan dahil mag aala-syete na." tugon ko sabay tingin sa phone ko dahil baka hinahanap na ko ni mommy.
Naglakad nalang kami pabalik dahil nga sa busog daw tong kasama ko at baka daw masira ang tyan niya kung mag-jog pa kami. Pagkauwi ng bahay ay nagbihis na ako ulit dahil nauna na si mommy sa terminal at baka daw naandun na ang mga kapatid ko. Badtrip na naman ang mga yun kapagka dumating sila na wala pa kami.
🎶 I'm a barbie girl in a barbie world, life in plastic, it's fantastic 🎶
"Hello, my? Nasa bahay na po ako,nagbibihis lang. Papunta na din ako dyan" saad ko habang inaayos ang pagkakatali ng buhok.
"Alright, malapit na daw sila kaya bilisan mo na." aniya kaya dali dali akong kumilos. Muntik pa akong matisod nung sapatos na ginamit ko kanina sa pag jogging. Hays.
Pagkaalis ng bahay ay agad din akong nagtungo sa terminal at naabutan ko si mommy na kausap ang bunso kong kapatid na ngiting ngiti habang ang isa naman ay nakapamulsa at may nakasapak na headset sa magkabilang tainga habang may nagsasalubong na mga kilay.
"Hi, bros. Welcome back" ngiting ngiti kong pagbati pagkalapit ko sakanila.
"Ate, miss you." saad ng kapatid ko tsaka lumapit sakin para yakapin ako. Napatingin din naman ako sakanya at masasabi kong lumalaki na nga talaga siya. Hays. Wala na kaming baby boy nito.
"Miss you too. Pasalubong ko, meron?" nakangiti ko pa ring tanong.
"Yes, we have. We bought you your favorites." masayang wika naman ni Zev.