Huling araw na ng pagkakagrounded ko ngayon, so ibig sabihin bukas na yung championship sa basketball. Sana manalo ang mga pinsan ko. Grabe din yung paghahanda nila para sa championship na yun eh. Dinig ko pa nung isang beses na tumawag si Sheena ay nagpapractice ang mga yun. Desidido talaga silang manalo ngayong taon.
Ting*
Winwin:
Good afternoon, Cxiara. Kamusta? Pasensya kana kung ngayon lang ako nakapagchat sayo.Hays. Itong isa naman to, nakakainis. Dalawang araw siyang walang chat sakin. Andami dami ko ng messages sakanya pero wala akong nakuhang sagot. Puro seen lang ang nakuha ko. Kailangan na kailangan ko pa naman ng kausap ng oras na yun tapos wala siya. Nakakainis.
WINWIN:
Hey, sorry na. May importante lang kasi akong inasikaso kaya di kita namessage.Reply:
Wag kang magsorry tsaka hindi mo kailangang magpaliwanag. Hindi mo naman ako jowa para mag explain ka.Totoo naman. Hindi niya naman ako jowa para mag explain siya sakin. Tsaka pakialam ko naman kung busy siya. Tsk. Ang akin lang sana sinabi niya para hindi ako umasang may matatakbuhan ako nung mga oras na yun.
WINWIN:
Ay grabe naman. Deserve mo pa rin naman na makakuha ng explanation coming from me kasi andami dami mong chat sa loob ng dalawang araw na yun.Reply:
Bahala ka dyan. Naiinis ako sayo.WINWIN:
Hala. Wala namang ganyanan, Cxiara. Please.Reply:
Ewan ko sayo. Magsama kayo ng animal na caller na yun!WINWIN:
Caller? Sinong caller?Reply:
Balakadyan. Pareho kayo mga multo. Tsee.Isa pa yung caller na yun, hindi naman sa naiinis ako pero pati yun nawala din ng dalawang araw. Napaisip tuloy ako kung si Winwin ba at ang Abnormal Caller na yun ay iisa. Hays.
WINWIN:
May tumatawag sayo lagi?Reply:
Oo, baka nga ikaw yun eh!WINWIN:
Wala akong number mo, Cxiara. Tsaka bat kita tatawagan?Reply:
Kunwari ka pa! Kaya nga siguro ayaw mong mag VC kasi niloloko mo lang din ako. Kasi baka ikaw yung abnormal na caller na yun!WINWIN:
Anong pinagsasabi mo? Ayoko lang kasi talaga ng VC hindi ako komportable.Reply:
Really? Okay. Sabi mo eh. Bahala ka dyan.WINWIN:
Galit ka na naman ba sakin?Reply:
Wow! Nanaman? Nakakahiya naman sayo. Pero naiinis ako sayo talaga. Kaya wag mo muna akong kausapin. Badtrip ka.Ewan ko ba, ang init init ng dugo ko ngayon kay Winwin. Ang sama ko na ba? Pero kasi naman nakakadisappoint lang. Alam mo yung inaasahan mo siyang andyan nung oras na kailangan mo pero ayun, nganga. Walang naganap dahil walang sumagot. Andami kong iniisip nun pero hindi ko alam kung sino pagsasabihan dahil wala siyang reply. Alam ko naman na wala akong karapatang magdemand sakanya pero kasi nag expect ako.
WINWIN:
Sorry. Sobrang importante lang kasi talaga para sa kaibigan ko nung ginawa namin kaya hindi kita namessage man lang. Pasensya kana. Sige, hindi na muna kita kukulitin. Namiss kita, Cxiara Shaun.Bigla ay nakonsensya tuloy ako sa chat niyang yun.
Nakakainis ka, Cxiara Shaun. Napakaimmature mo!