✨CHAPTER FORTY✨

4 2 2
                                    


"Hoy! Kelan pa kayo naghaharutan nitong si Cxiara?" bulyaw ni Sheena sa phone.

Eto na magsisimula na. Jusko. Hindi nanan ako nainformed na sasabak rin pala ako sa ganitong paglilitis.

"Ha? Naghaharutan?" sagot ni Deibson.

"Oo. Bakit mo kinuha number ng pinsan ko kay Jiro?! May binabalak ka bang masama sakanya?" agarang tugon ni Sheena.

Pinanlakihan ko naman ng mata si Sheena dahil sobrang nagiging madaldal na naman siya pero inirapan niya lang ako.

"Ah, wala naman akong gagawing masama kay Cxiara." seryosong sagot ni Deibson

"Siguraduhin mo lang. Dahil kapagka may nangyaring masama sakanya, ikaw talaga ang ipapakulong namin"

"Oh? I won't do anything to harm her, Sheena. Chill"

"Whatever" saad niya saka tumalikod.

Woah. Akala ko mauubos ako dun. Buti nalang hindi niya natanong.

"Eyy. Wag mong pansinin mga pinagsasasabi ni Sheena. Alam mo naman, buang ang isang yun"

"Excuses. Hindi ako buang. Ang harot niyo."

Tumatawa naman si Deibson sa kabilang linya. Kaya tumawa nalang din ako. Narinig ko ring nagstart na ang sasakyan.

"Pauwi kana?"

"Ah, yeah. Sa bahay ako kumakain eh."

"Ganun ba? Ingat"

"I will. You too, please be good. I love you"

"Yeah. Sige naa. I'll hang up na para makauwi kana. Drive safely"

"Thank you. I'll call again later. I love you. Bye"

"Bye."

Kaagad ko ring ibinaba ang tawag. Pano magpigil ng kilig habang nasa harap mo ang mga pinsan mong na sayo ang atensyon? Letse.

Tinaasan ko na lamang sila ng kilay. Saka inilapag sa mesa ang cellphone.

"Paano yung drive safely?" natatawang saad ni Jiro na hanggang ngayon ay kumakain pa rin.

"Heh! Tantanan mo nga ako"

"Napakasweet naman pala" ngingiti ngiting saad ni Merch.

"Napakaharot. " irap ni Sheena.

Natawa nalang ako sa mga expression nila. Mga ilang sandali pa ay dumating si mommy. At sa pagdating niya ay nagpaalam naman na sila Sheena na aalis na dahil may pasok pa nga sila.

"Anak, ito nga pala may nagdeliver ng paper bag na to sayo sa bahay.Dinala ko na dito at baka mahalaga iyan" saad ni Mommy saka inabot sa akin ang paper bag.

"Kanino daw po galing?"

"Eh? Hindi ba ikaw ang umorder niyan?" tanong ni Mommy.

"Hindi po My. Hindi naman na po ako umoorder sa online ngayon at nag iipon po ako" sagot ko.

"Eh hindi ko na tinanong yung rider kasi akala ko ikaw ang umorder niyan"

"Hindi po My. Pero baka po may pangalan naman sa paper bag. Check ko nalang po" saad ko.

Tumango naman si Mommy at saka tumalikod na sa akin upang ayusin ang mga pinagkainan nila Jiro. Mga balasubas talaga yun. Basta lang iniwan mga pinagkainan.

Tiningnan ko naman ang paper bag. Ang cute ng lalagyan niya. Stitch kasi yung design. Ano kayang laman nito?

Bubuksan ko na sana kaya lang mas minabuti kong wag nalang muna. Saka na pagka ako nalang at baka may milagro na namang mangyare sa regalo na to.

You're Still The OneWhere stories live. Discover now