Nagising akong sobrang lakas ng ulan sa labas. May low pressure na naman ata dahil napapadalas ang pag ulan.
Bumangon na ko at naligo na saka kumain nung breakfast na dinala ni Zev kanina dito. Isang egg sandwich lang naman yun at milo.
Habang umiinom ng milo ay naisipan kong magsoundtrip nalang. Ewan ko ba, parang gusto kong mag emote ngayon. Yung oras kasi kahit umaga pa lang ay parang napakalungkot na ng ulan.
Oo nga pala, hindi nga pala tayo...
Hanggang dito lang ako, nangangarap na mapa-sayo...
Hindi sinasadya...
Na hanapin pa ang lugar ko...
Asan nga ba ako? Andiyan pa ba sa iyo?Nahihilo, nalilito
Asan ba ko sayo? Aasa ba ko sayo?Nasusuka ako, kinakain na ang loob
Masakit na mga tuhod, kailangan bang lumuhod?
Gusto ko lang naman, yung totoo
Yung tipong ang sagot, ay di rin isang tanongNahihilo, nalilito
Asan ba ko sayo? Asan ba ko sayo?Nahihilo, nalilito
Asan ba ko sayo? Aasa ba ko sayo?Nakakainis naman. Bakit si Deibson ang naiisip ko sa kantang to? Hayss.
"Namimiss na kita, Deibson. Parang kailan lang magkasama din tayo nung malakas ang ulan tapos ngayon, hindi man lang kita nakikita." saad ko sa sarili saka nilagok na ang natitira pang milo sa baso ko.
Hinayaan ko nalang na magtuloy tuloy ang playlist ko at nagsimula na kong maglinis ng kwarto nang malibang naman ang buhay ko. Hays. Ayokong mag isip ng mag isip.
Sinimulan kong ilabas yung mga damit ko sa closet na ngayon ay nagkanda gulo gulo na. Aba, hila lang kasi ng hila kapagka kukuha ng damit. Yung mga puti ay nakasama sa mga makukulay na damit. Hays. Inayos ko ang pagkakatupi ng mga ito at maging ang pagkakalagay.
Inabot ako ng siyam siyam sa pagtupi palang dahil sa sandamakmak na damit ko. Pero may isang damit na umagaw ng atensyon ko. Wala akong maalala na binili ko yun. May mga sulat din naman kasi ito ng ballpen at felt tip - pen.
Napakunot ang noo ko sa mga nakasulat dun ng isa isa kong basahin.
"I will always be your knight and shining armor"
"You're mine and I'm yours, forever"
"Cxiara Shaun, my one and only love"
"I love you, Love"
Habang iniisa-isa kong basahin ang napakadaming sulat sa isang T-shirt na kulay puti ay unti unting naramdaman ko ang pagsakit ng sintido ko.
Eto na naman siya, nagsisimula na naman. Napahawak ako sa ulo ko at nakatitig pa rin sa T-shirt na nakuha ko. Dahil gusto ko pang basahin ang iba baka may makuha akong pangalan ng nagsulat nito.
Kanino galing yan? Bakit may mga pangalan ko? Sino ang may gawa nito?
Bubulitlitin ko na sana kaso biglang nagring ang phone ko. Kaya natigil din ang pagplay ng kanta. Dali dali akong tumayo at tiningnan kung sino ang tumatawag.
Abnormal Caller calling...
"Kay aga aga mo namang mang inis?" bungad ko.
"Good morning, Shaun." bati niya na hindi man lang pinansin ang sinabi ko.
"Kumain kana?" tanong niya.
"Pakialam mo? Sige na. Busy ako. Wala namang saysay yang sasabihin mo. Tss. " saad ko saka pinatay ang tawag niya.