✨CHAPTER TWENTY FIVE✨

4 2 0
                                    

J
Sa pag alis nung dalawa ay siya namang pagsisimula ng karera ng mga kabayo sa puso ko.

Posible ba yun? Kabayo sa puso ? Creepy.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko . Nakikita ko siyang sumusulyap sakin pero kapagka titingin naman ako sa direksyon niya ay agad niyang iniiwas ang tingin niya. Ano ba to?

Upang mabaling sa ibang bagay ang atensyon ko. Kinuha ko ang cellphone ko na ngayon ay nasa mesa sa tabi nitong bed.

Sinubukan kong magbukas ng wattpad at dun magbasa ng kwentong halos anim na buwan ko mg binabasa pero hanggang ngayon , hindi ko pa rin matapos tapos. 

Panay scroll ang ginagawa ko ngunit ibinabalik ko lang din naman sa umpisa dahil wala akong maintindihan. Kaya naman ay nagdesisyon akong mag Facebook nalang.

Sunod sunod ang mensahe na nakuha ko. Napakaingay ng messenger na ito.
Inisa isa kong basahin lahat ng pumasok na messages. May iilan dun na chat galing sa mga kaibigan ko dahil excited na raw sila sa pasukan next week. Yung iba naman ay sa mga GC na nasalihan ko kung saan hindi naman ako active. At may isang mensahe din kay Win-win.

Winwin:
Kamusta kana?

It's been a while, Cxiara.

Sorry nabusy lang kasi sa pag asikaso ng requirements para sa enrollment.

Chat me when you're free.

Ilan lang yan sa mga message niya sakin. Ilang araw din ata akong walang narinig mula sakanya. Kasabay kasi ng pagkaMIA nung Abnormal caller ay siya ring pagkawala nito.

"Haalaaa!" sambit ko saka napatakip ng bibig.

Ngunit mukhang mali ata ang ginawa kong yun. Yung dapat na nasa isip ko lang ay naisatinig ko pala.

"Bakit? Ayos ka lang?" ani Deibson na ngayon ay nasa tabi ko na.

Ang bilis naman ata niyang nakarating dito? Pero kahit ano paman yun ay hindi ko ipagkakailang ang gwapo niya talaga sa malapitan.

"Ah. A-ano.. o-okay lang naman ako" saad ko saka umurong ng marealize ko kung gaano kami kalapit sa isa't isa. Harot!

"S-sorry" sambit niya saka lumayo sakin.

"Akala ko kasi ay may masakit na naman sayo"

"W-wala. A-ayos lang a-ako"

Tumango naman siya bilang pag sang ayon. Ngunit ,sa pagtalikod niya ay humarap siyang muli.

"P-pwede na ba kitang makausap ngayon?"

Kami? Mag uusap? Ngayon? Tungkol saan?
---Itanong mo kasi. Tss

"Huh? Usap? Tayo? Why?" naguguluhan kong tugon.

"Ah, wala . Wag na. Magpahinga kana muna." saad niya saka ngumiti ng pagkatamis tamis.

Napakagwapong nilalang naman talaga.

"Sure ka ba dyan?" saad ko pa kahit na kinakabahan.

"Uh, ayos lang ba sayo? Kasi diba, sabi ko kanina is mag uusap sana tayo sa gym?"

"Ayy! Oo nga pala. Hmm. Sige, ayos lang. Tungkol saan ba?"

Bigla namabg nagliwanag ang mukha sa narinig mula sakin.

"Tungkol ito dun sa inakala niyong girlfriend ko noong championship"

"Inakalang girlfriend?" sige, magkunwari muna tayo.

"Oo, nabanggit ni Sheena sakin na ikinainis niyo daw yun. Kasi akala niyo daw eh nagsinungaling ako sainyo ng sabihin kong wala akong naging girlfriend"

You're Still The OneWhere stories live. Discover now