"Nakakaasar ka naman, Kuya Drew eh. Ayoko na, madaya ka naman." Reklamo ni Vanessa.Naglalaro kasi kami ngayon ng tumbang preso habang naliligo sa ulan. Feel naming bumalik sa kabataan namin, kaya ito, naisipan naming maglaro. Ayoko pa nga sanang sumali sakanila dahil nga ayaw ni Mommy na napapagod ako nitong mga nakaraang araw. Nagsisimula na naman siya sa pagiging sobrang maalalahanin niya sakin. Kada oras chinicheck ako. Magmula nung mawalan ako ng malay du'n kila Merch ay masaydo ng naging overprotective si Mommy. Maging si Xion ay lagi na ding nakabuntot sakin which is ayaw na ayaw niyang ginagawa kaya lang hindi naman niya magawang suwayin si mommy. Sinabihan ko na rin naman siya na ayos lang ako pero tanging irap lang ang nakukuha kong sagot. Bakla talaga ang kapatid ko, dhay. Jusko.
" Hindi naman ako madaya, ikaw tong may hawak ng tsinelas eh. Saka ambagal mo ding tumakbo kaya ikaw ang natataya." Tatawa tawang saad ni Drew.
Kanina pa kasi laging taya si Vanessa. Pagkakatapos niyang maging taya ay Napapalitan din naman siya pero pagkatapos nun ay siya na naman ulit ang taya kaya naman nag uungot na to dahil siya daw laging pinag iinitan.
"Ako naman ang taya, Vane. Akin na yang lata. Balik kana dun, hayaan mo hindi ikaw tatayain ko mamaya. " nakangiti kong sabi.
Nakangiti namang inabot niya sa akin ang lata. Nagreklamo pa sila Drew dahil daw madaya si Vane. Tumawa nalang ako saka pumwesto sa may di kalayuan sa lata upang hindi ako tamaan kung sakaling ibato na nila ang tsinelas. Tinamaan naman ni JIro ang lata sa unang tira palang kaya naman dali dali akong tumakbo upang kunin ang tsinelas tat habulin sila. Hindi naman ako tumigil hanggang wala akong na babato sakanila. Pero dahil mabibilis ngang tumakbo ang mga kumag ay nahirapan ako.Bigla ay tumigil ako dahil may naisip akong kalokohan, sige tingnan natin ngayon kung hindi pa rin ba kumukupas ang galing ko sa pag arte. Hinawakan ko ang sintido at saka nagkunwaring tila kumikirot ito, nakita ko naman si Jiro na natigil sa pagtakbo saka tinagilid ang ulo habang nakakunot noo. Nangingiti na ko sa isping di magtatagal ay lalapit ito, mas lalo ko pang diniinan ang pagkakahawak sa ulo saka ginamit ang kaliwang kamay at nilagay sa bewang ko para magsilibing suporta ko. Hindi naman ako nabigo dahil bigla ay sumigaw si Jiro. Halos gusto ko ng matawa dahil sa pagmumura niya. Patay ka kay Kuya Zep kapag narinig ka, kumag.
"Kingina, time out guys. Sabi ko kasing wag ng paglaruin si Cxiara, malilintikan tayo nito kay Xy mamaya." Saad ni Jiro. Nakikita ko na siyang papalapit sakin pero ang iba kong pinsan ay nagdadalawang isip pa dahil nasa laro pa rin ang focus nila.
"Weak ka talaga, Araray. Wag kana nga maglaro. "saad niya pa ng makalapit lapit na sa akin. Kinuha ko naman ang pagkakataon na yun upang batuhin siya ng tsinelas at saka sinabing nataya ko siya. Nanlalaki pa ang mata niya dahil sa ginawa ko ngunit hindi rin nagtagal yun dahil agad ding kumunot ang noo niya na siyang ikinatawa ko. Narinig ko ding tumawa si Sheena at Steve dahil sa ginawa ko.
"Sinasabi ko na nga ba at pinapairal mo na naman ang pagiging artista mo, Cxiara Shaun."tatawa tawang saad ni Sheena. Kilalang kilala talaga ako ng isang to. Ano pa nga ba? Pareho kami ng mga kalaokohan nito eh.
"Hanep yan, Ara. Madaya ka!" nag uungot na wika ni Jiro na tinawanan ko nalang.
"Wag kana mag inarte dyan Jiro dahil nataya kana. Kanya kanyang diskarte lang yan. Uto uto ka talaga." Tatawa tawang sambit ni Kierwyn.
"Gago ka, Kie. Uto uto mo mukha mo, madaya lang talaga si Ara. Sige, pag ikaw talaga sumakit ng totoo ulo mo hindi kita lalapitan. " saad naman niya. Naasar na naman agad si Jiro kaya natawa pa akong lalo.
"Eh di hindi. Wala naman kasi akong sakit, Oa niyo lang talaga." saad ko pa.
Wala na rin naman siyang nagawa kundi patayuin na ang lata saka pumwesto na rin gaya ng ginawa ko kanina. Iiling iling pa siyang tumabi saka tinaliman ako ng tingin. Nagpeace sign nalang din ako saka ngumiti ng labas ang thirty two kong ngipin.