✨CHAPTER ELEVEN✨

5 2 0
                                    

"Saluhin niyo kasi yang mga serve ni Kierwyn hindi yung iniilagan niyo. Matatalo tayo nito eh." wika ni Jiro sa mga kasamahan niya.

"Kung ikaw kaya sumalo?Kita mong anlakas ng tira niya eh, tapos ako pa pasasaluhin mo? Ayoko pa naman masira maganda kong mukha. "tugon naman ni Sheena na nakapamaywang habang ang isang kamay ay ginagamit niyang pansalag sa sikat ng araw.

"Tama na ang mga reklamo niyo. Abangan niyo na ang sumunod na serve ko, baka mahimatay kayo pagka kayo natamaan." Sigaw ni Kierwyn sa kabilang grupo.

Kasalukuyan kaming nasa Subic Island, isang beach resort dito sa Matnog Sorsogon. Halos anim na oras din ang byahe namin bago kami nakarating dito. Pero ayos lang dahil worth it naman yung matagal na byahe. Pinkish ang sand nila dito at sobrang linaw ng tubig. Marami ring mga puno ng niyog at mga maliliit na cottages isang metrong layo mula sa dagat. Napakagandang pagmasdan. Napakalinis at napakatahimik ng dagat. May maliliit din namang alon na mas lalong nagpaexcite saming lahat para maligo kanina dahil syempre sakto ang mga alon na yun para sa pagswimming namin. Halos isang oras din kaming nagbabad sa dagat kung kaya't ito naglalaro na kami ngayon ng Volleyball.

Sina Kierwyn, Steve, Vanessa, Austine at ako ang magkakampi, habang sa kabila naman ay sina Sheena, Xion, Jiro, Drew at Deibson. Samantalang sila Zev at Nathalia naman ang nagsilbing cheerers namin.

"Ang yabang mo, Kie. Wala ka namang binatbat pagdating sa basketball." Reklamo ni Jiro.

"Wow, nagsalita ang MVP." Natatawang saad ni Kierwyn. "Paano ba yan eh volleyball ang laro natin ngayon at hindi basketball, nakakalungkot pa dahil bihasa ako sa larong ito." Iiling iling na saad pa ni Kie .

At dahil pikunin si Jiro, bumusangot agad ang mukha nito. Ayaw talagang natatalo.

"Ayoko na, pagod na ko. Kumain nalang tayo." saad niya saka tumalikod at naglakad pabalik sa cottage na kinuha namin.

"Ako rin, pagod na rin ako. Baka naman pwedeng mamaya naman, masakit na rin kasi ang kamay ko." ani Vanessa.

"Sabagay, isang oras na rin naman tayong nalalaro. Tara na, lumamon nalang tayo" wika ni Steve

"Lamon talaga? Patay gutom kang talaga." Wika ni Sheena na binara ang kapatid.

Nagsimula na silang maglakad pabalik sa cottage, susunod na rin sana ako nang may makita akong hugis puso na shell kaya pinulot ko ito. Dahil sa pag yukong ginawa ko ay nakaramdam ako ng pagkahilo kaya naman ay umupo muna akong saglit. Nakakahilo palang magbilad sa araw ng matagal.

"Ate, let's go na. Were going to eat." Aya sakin ni Zev.

"Susunod ako Zev, saglit lang." tumango nalang din ang kapatid ko at nagpaunang umalis. Tiningnan kong muli ang shell na hawak ko saka ako napangiti.

"Buti pa ang shell, may puso. Eh ikaw, may puso rin naman pero may nag mamay ari namang iba." Saad ko sa sarili . Luminga inga pa ako nagbabakasakali na may makita pang magandang shell para iuwi ko sa bahay kaya lang ay napako ang mata ko sa isng pares ng tsinelas na nasa harapann ko. Tumingala ako kaya napagtanto kong si Deibson pala ito.

" What are you doing, Ara?" tanong niya saka ginaya ang pagkakaupo ko.

"Nakapulot kasi ako ng shell oh, hugis puso, ang ganda. Kaya naghahanap pa ko ng iba para maiuwi ko ng bahay."

"Kakain na ah, dika pa ba nagugutom?" saad niya saka tiningan ang shell na hawak ko. Nabigla pa ako dahil bigla niya iting inagaw sa kamay ko.

Omoo. Nagdikit ang kamay naming. Hinawakan niya ang kamay ko. Kinikilig ako. Hindi ako maghuhugas ng kamay mamaya.

"May napulot din akong ganitong klase ng shell kanina kaya lang ay  medyo namumula ang kulay nun. "

You're Still The OneWhere stories live. Discover now