✨CHAPTER SIX✨

17 4 0
                                    

"May game kayo ulit bukas, diba tine?" tanong ni Steve kay Austine, bestfriend ni Deibson my loves.

"Meron tol. Zone 3 ang kalaban bukas eh." sagot naman niya.

Minsan talaga napapaisip din ako kung paanong naging close ng mga pinsan ko ang mga to eh magkakalaban naman sila sa court. Well, mas okay na din kasi at least alam kong chill lang din sila at tsaka mas napapalapit ako kay paloloves ko.

"Ayos yan, goodluck sainyo." sabi pa ni Steve.

Hanggang ngayon ay nakatalikod pa rin ako kahit na huminto na kami sa paglalakad. Nakakita rin kasi si Vanessa ng isaw kaya ayan, isinama si Sheena upang bumil kung kaya ako lang mag-isang naiwan. Nakakainis.

"Mahirap daw kalaban yung si Guandino. Varsity player din daw yun sa UST. " wika naman ni Drew.

"Oo nga eh. Minsan ko na din naman yung nakalaro nung interhigh." tugon naman ni Deibson.

Kahit hindi ako nakatingin alam ko kung kaninong mga boses ang nagsasalita. At mas lalong nadaragdagan ang kaba ko sa tuwing nagsasalita siya.

"Ganun ba? Eh di mas masaya ang laro bukas. Manunuod kami."singit naman ni Jiro.

Manunuod sila bukas? Omoo. Saasama ako. Mas excited na tuloy akong gumabi na ulit para makapanuod na ng laro nila bukas.

"Araaaaaa!!!!" sigaw naman ni Sheena.

Jusko po. Ayokong lumingon, utang na loob Sheena kahit ngayon lang please. Nasa alanganin ang buhay ko.

"Hoy, Ara, tawag ka ni Sheena. " tawag naman sakin ni Kierwyn pero diko pinansin. Ayokong lumingon, hindi pwede. Natatakot akong pag lumingon ako eh makita ako ni Deibson.

"Ey, Ara, bingi ka ba? O nagbibingi-bingihan?" tanong naman sakin ni Jiro na ngayon ay nasa harap ko na agad. "Puntahan mo na nga yung si Sheena at naghahasik na ng lagim. Ang sakit sa tenga ng boses nun, alam mo yun. Maawa ka naman sa mga tao. " sambit niya na ikinatawa naman ng mga tao sa likod namin.

"Ayoko nga. Tsaka umuwi na tayo. Ang sakit ng tiyan ko. " pagpapalusot ko saka hinawakan ang tiyan.

"Masakit ang tiyan? O baka dahil umiiwas ka lang na naman dahil naandyan ang crush mo." pabulong naman na wika ni Jiro.

"Kumag ka! Hindi noh. Tantanan mo nga ako, Hari ng sablay!" sabi ko ng kagat kagat ang ngipin dahil pigil ko pa rin ng inis ko kasi sa ayokong marinig ni Deibson.

"Oh? Ngayon naman mukhang natatae kana?" tatawa tawa niyang sabi na alam kong narinig ng mga nasa likuran namin.

"Uwi na raw tayo guys dahil natatae na si Ara!" anunsyo niya sa mga pinsan ko, well sa lahat dahil lahat sila tumatawa na ngayon.

Hindi na ko talaga nakapagtimpi at inalis ko na ang tsinelas na suot ko. Tumakbo naman agad si Jiro kaya't hinabol ko pa ito. Wala na akong pakialam kung sinong nakatingin basta masapak ko lang yun ng tsinelas.

"Abnormal ka talagang kumag ka! Bwiset!" sigaw ko at hinabol pa rin siya. Sinubukan niyang gawing harang si Kuya Zep pero nilayasan din siya nito. Halos lahat na ata ng naanditong nakatingin samin at pinagtatawanan kami ay ginawa niya ng harang. Kaya lang natigilan ako ng kay paloloves ko na siya nagtago.

"Ops. Ara pala ang ngalan mo." nangingiting sabi ni Deibson nung akmang hahampasin ko si Jiro ng tsinelas sa may tagiliran niya.

Umangat naman ako ng tingin sakanya at saka dali daling umayos ng tayo ng mapagtanto ko na sobrang lapit ko pala sakanya na halos naamoy ko na ang pabango niya. Dahil sa gulat ko ay sa halip na sumagot ako ay binato ko si Jiro ng tsinelas at tsaka ko inirapan si Deibson.

You're Still The OneWhere stories live. Discover now