✨CHAPTER FOUR✨

15 5 3
                                    

"Ang lakas ng ulan, kelan ba titigil to? Hays." frustrated kong tanong ket wala naman akong kausap.

Nasa waiting shed ako ngayon, sa kadahilanang inabutan ako ng ulan pagkababa ko ng jeep galing school. Nagpass kasi ako nung requirements para makapag enroll ako next sem. Muntik na nga akong mapagsarhan nung Guidance office, buti nalang napakiusapan ko pa. Tapos ngayon naman, inabot ako ng ulan. Kapagka minamalas ka nga naman. So, hanggang kelan ako dito? Hanggang naubos na akong lamutakin ng lamok? Wag namang ganun.

"Kung bakit ba naman kasi ang tamad kong magdala ng payong. Bwiset naman oh!" wika ko sa sarili habang pinipunasan ang damit kong medyo nabasa ng ulan.

Sa sobrang asar ko dahil pakiramdam ko pinagttripan ako ng araw na to ay napapadyak nalang ako sa sobrang inis. Saka sinermunan ang sarili kung bakit kasi iniwan ang payong. Wala paman ding dumdaan na kakilala ko para sana makisabay. Hays

"Great! Napakasaya ng araw ba to. Bwiset. " pag uungot ko pa.

"Utang na loob naman ulan, tumigil kana oh. Aabutin ako ng gabi dito kung sakali. Huhu" sambit ko habang hinayaang pumatak ang tubig ulan sa aking palad.

Sa kakadada ko at kakasermon sa sarili, hindi ko napansin na may dumating pala para sumilong din siguro. Baka wala ring payong ang isang to. Hindi ko nalang din nilingon dahil abala ko sa paglalaro ng tubig ulan at isa pa, I don't talk to strangers. Naku. Delikado na.

"Ehem. " rinig kong tikhim ng lalaking katabi ko. Hinayaan ko lang rin dahil malay ko ba kung inuubo siya at hindi naman siya nagpapapansin.

"Wahh. Tumigil kana kasi. Ayokong gabihin. Ano ba naman to. " tugon ko sa sarili sa mahinang tono lamang.

"Wala kang payong?" tanong ng taong dumating kanina.

"Wala. Obvious naman siguro diba?" tugon ko. Tss. Hindi kami close kaya pasensya siya dahil masungit ako sa mga diko naman kakilala.

Bahagyang lalayo sana ko ng kaunti sakanya dahil halata namang ayokong makipag usap, kaya lang natigilan ako ng bigla siyang tumawa. Pinakinggan ko muna yung tunog ng tawa niya at nang makumpirma ko. Halos hindi na ko makaalis sa kinatatayuan ko dahil hindi ako pwedeng magkamali. Siya yan, boses niya yan at ganyan siya kung tumawa. Naestatwa na ko na ako ng tuluyan habang pinagtatawanan pa rin niya ako.

Bigla ko namang hinawakan ang mukha kong malamang sa mga oras na ito ay namumula na sa sobrang pagkapahiya.

"Syet. Kung panaginip man to, gisingin niyo na po ako please. " pagdarasal ko sa aking isip.

"Sabay kana sakin. Malaki din naman kahit papaano itong payong ko. " wika niya ng siguro ay napagod siyang pagtawanan ako.

Mas lalong lumakas ang pagkabog ng aking dibdib. Mas triple pa ngayon ang pagkalabog nito. Oh no.

"Ah. Ano, h-hindi n-na..." nuutal kong sabi. " A-aantayin k-ko nalang na t-tumila ang u-ulan. " sagot ko sakanya ng hindi pa rin lumilingon.

"Hindi ko akalaing ang masungit na gaya mo ay mahiyain rin pala. " wika niya at ramdam kong nakangiti siya habang sinasabi yun.

"Hindi noh. Tsaka sige na, nag eenjoy pa naman ako dito. " dire-diretsong sabi.

Syet. Paktay na talaga. Ayoko na. Nakakahiya na. Bakit naman kasi ganito? Wrong timing pa ata ang una naming pagkikita, sa tatlong taon na crush ko to, jusko ngayon lang kami nagkausap ng ganito. I think, I'm gonna die. Help.

"Sigurado ka?" tanong niya na siyang mas lalong naging dahilan ng pagkatense ko sa mga oras na yun. "Eh bat parang kanina naririnig kitang kinakausap ang ulan at sinasabing tumigil na ito dahil ayaw mong gabihin? Baka guni guni ko lang yun. " Hindi ko alam kung nang aasar ba siya o ano, pero mas todo na ang kaba ko ngayon. .

You're Still The OneWhere stories live. Discover now