Fiesta na sa amin sa susunod na buwan. Kaya naman ito,magsisimula na rin ang paliga sa basketball dito sa baranggay namin sa susunod na araw. Syempre, excited ako ng bongga. Ito talaga kasi ang dahilan kung bakit excited na excited ako palaging mag Summer. Dahil syempre sa Basketball at isa pang syempre ay dahil sa makikita ko nanaman yung crush kong magaling mag dribble at mag three points shot. Juskoo. Sa tuwing naiisip kong magkikita na ulit kami ng paloloves ko ay hindi ko maiwasang kiligin ng sobra.
Hindi na talaga ko makapag antay na makita siyang muli. Sana andun pa rin siya at sana umuwi siya ngayong summer galing sa Manila.
------
Linggo na ngayon at bukas, simula na ng liga sa basketball. At dahil diyan , naandito ako kila lola ngayon para makibalita sa mga pinsan ko kung manunuod ba sila bukas sa opening dahil sasama ako. Sila lang naman kasi ang mga gusto kong nakakasama tuwing manunuod ng liga taon taon ee."Tito, manunuod kayo sa opening ng basketball bukas?" tanong ko sa kay Tito Lucas na matanda lang naman sakin ng isang taon kaya lang syempre, pinsan siya nila mama kaya Tito pa rin ang tawag ko.
"Oo. Pupunta ko. Doon na ko didiretso pagkagaling ko sa resort bukas. " sagot naman niya sakin habang abala sa pakikipaglaro ng mobile legend dito sa iba ko pang mga pinsan.
"Bakit, Ara? Sasama ka? Sila Vanessa daw sasama ee. " wika ni Drew. Isa sa mga pinsan ko na kasama rin sa liga ngayong taon.
"Ayos yan! Sasama ko. Kaya lang gaya ng dati. Ipagpaalam niyo naman ako kila mommy oh? Puntahan niyo ko sa bahay bukas kapagka manunuod na kayo. " pakikiusap ko sakanila.
Well, hindi kasi ako basta basta pinapayagan nila Mommy na umalis ng bahay. Kaya kelangan ko pang pakiusapan tong mga pinsan ko na ipagpaalam ako para makasama ko bukas.
"Sige. Sige. Tatawagan kana lang din naman kapagka mag aayos na kami para pag pumunta na kami sainyo eh alis din agad tayo. " pag sang ayon naman ni Drew.
"Yes!! Salamat ,Drew." nagtatalon pa ko sa tuwa dahil sa sinabi ng pinsan ko.
"Excited na excited, Ara? Parang may iba kang binabalak gawin bukas ah?" paninumula ni Jiro, pinsan ko din at isa din sa player ng baranggay namin sa basketball.
"Duh? Syempre. Basketball yun. Tss. Tsaka alam mo ba kung anong pinakaexciting na part sa basketball?" tanong kong pabalik kay Jiro.
"Ano? Yung part ba na makikita mo na naman si Deibson? Tapos mangingisay kana naman ng todo kapagka nakascore na naman siya sa laro? HAHAHAHA. " pagkatapos niyang sabihin yun ay nagsitawanan ang iba ko pang mga pinsan.
"Excuse me?! Hindi noh. Ang kapal mo. Tsaka hindi ako nangingisay kapagka nakakashoot siya. Palibhasa palaging sablay ang tira mo kaya naiinggit ka kay Deibson. " asik ko kay Jiro.
Natameme naman siya dahil sa tawa ng mga pinsan namin.
" Yan kasi, inumpisahan mo na naman si Ara! Bilis talaga ng karma , dude. " tumatawang sabi ni Kierwyn kay Jiro.
"Buti nga sayo. Tsee. " pang aasar ko pang lalo kay Jiro .
Kasi naman sa pagkakaalala ko sa liga nung isang taon. Ni minsan hindi man lang nakascore tong si Jiro. Hahaha. Palaging palpak ang tira niya sa tuwing susubok siyang i-shoot ang bola sa basket. Minsan kasi sumusobra ang tira niya at kung minsan naman ay kapos ito. Kaya naman nung matapos yung laro at makapasok sa championship yung grupo nila ay hindi na siya pinaglaro pa sa huling quarter. Grabe yung tawa namin nung pinag aaasar namin siyang kahit isang point man lang sa buong liga na yun ay wala siyang naiambag. Pikon na pikon naman siya dahil dun. Pero kahit naman ganun na wala siyang ambag sa score eh magaling naman siya sa depensa at pagddribble ng bola kaya naman ket palpak siya minsan ay hindi pa rin naman siya binibitawan ng coach nila. Kinuha pa nga siyang maglaro ngayong taon ee.