"Tita, ipagpapaalam po sana namin si Cxiara mamaya na manunuod ng basketball. Championship na po kasi . Bale sila Jiro po ang maglalaro mamaya" saad ni Sheena."Ganun ba? Ayos lang naman siguro kaya lang ay dito magsstay ngayong gabi itong si Merchi." sagot ni Mommy saka nilingon si Merch.
"Ah, Tita Rita, it's fine po. Sasama po ako kila Cxiara kung manunuod po siya. Besides namiss ko rin po manuod ng basketball" nakangiti namang sagot ni Merchi.
"Asige. Kung ganun ay sunduin niyo na lamang sila dito mamaya" saad ni Mommy.
"Yey! Thanks Tita. Makakaasa po kayo na ibabalik namin ng walang labis at walang kulang itong si Araray tsaka si Menchi" masiglang sagot ni Jiro.
"Excuse me, it's Merchi not Menchi." nakangiwing saad ni Merch.
Kumag talaga!
"Basta, yun na yun Merichi o Menchi. Basta ikaw yun" saad ni Jiro saka ngumiti ng pagkalapad lapad.
Umiling-iling nalang din ako dahil sa kagung-gungan niya.
"So, paano ba yan? Mamaya nalang ulit? Sunduin namin kayo mga bandang 4:30 siguro" saad ni Sheena.
Pagka-kain kasi namin ng lunch ay nagdesisyon na rin silang umuwi dahil sa may mga gagawin din sila sakanila. Kaya naman matapos magpaalam ng mga pinsan ko ay pumasok na kami muli ni Merchi sa loob ng bahay at nakipagkwentuhan din muna kay Zev.
"Ate Merchi, you will stay here tonight?" tanong ni Zev habang kalong kalong siya ni Merch.
"Yes po. Bakit?"
"Nothing. I just thought of eating a chippycream later with you both po." nakangiting sagot niya kay Merch.
"Chippycream?"naguguluhang tanong ni Merch saka bumaling sakin ng may *what's that thing look*
"It's an ice cream po with chips po" magalang na sagot naman ni Zev.
Napatango nalang din si Merch na parang sa paraan na yun ay alam niya na ang tinutukoy mg kapatid ko.
Pagkatapos naming makipagkulitan kay Zev ay nagpasya kaming matulog muna dahil paniguradong gagabihin kami ng uwi mamaya. Championship eh. Malamang, matatagalan to dahil after nun may awarding pa. Kaya, dapat may reserba na akong energy lalo pa't makikita ko muli si Deibson. Kelangan fresh ako.
Halos dalawang oras din siguro kaming natulog ni Merch. Kaya naman ay nagmadali kaming magready para mamaya dahil may isang oras kalahati nalang kaming natitira.
Naunang naligo si Merchi at sumunod naman ako pagkatapos. Hindi nga ako nagtagal sa paliligo pero natagalan naman ako sa pagpili ng isusuot.
"Hindi ka pa rin nakakapagbihis?" tanong ni Merch nang pumasok siya muli sa kwarto.
"Nahihirapan akong mamili ng isusuot" nguso ko.
"Eh? Manunuod lang naman ata tayo ng basketball tsaka dyan lang naman sa kanto yun diba?"
"Oo pero kahit na. Championship yun kelangan paghandaan ko" awtomatikong sagot para di niya mahalata.
"So, hindi ba angkop ang suot kong ito?" nakakunot na tanong niya
Tiningnan ko naman siya at masasabi kong maganda talaga ang pinsan kong ito. Mas lalong nangibabaw ang kaputian niya dahil sa suot simpleng peach v-neck shirt nga lang naman at high waisted short, pero umaangat ang ganda niya. Wala akong masabi.