Habang nagkakatuwaan kami, bigla namang bumukas ang pinto at bumungad si Mommy kasama si Zev.
"Are you alright? What happened? Masakit pa rin ba ang ulo mo?" sunod sunod na tanong ni Mommy.
"I'm fine, Mom. Nadala naman ako agad ni Xy dito kaya I'm good" paniniguro ko.
"Jusko. Masyado kana naman ba kasing nagpapagod? Saan kana naman galing?"
Sa tanong na yun ni Mommy ay nakita kong nagsiyukuan ang lahat na para bang sila ang may kasalanan.
"Nasa bahay ako my, when it happened. So, wala silang kasalanan. Magpapahinga na dapat ako kaso bigla kong naramdaman pagkirot ng ulo ko. But, I'm fine now"
"Are you sure? Where's the doctor? Kakausapin ko" saad pa ni Mommy.
Sakto naman na pumasok si Xymonn. At dun naman napako ang atensyon ng lahat.
"What did the doctor tell you? Kamusta raw ang kapatid mo?"
"She's fine mom. She just need proper rest. So, we have nothing to worry about according to the doctor."
"Ibig sabihin wala akong cancer?!" biglang pagtaas ko ng boses.
"What?!"
"Ayy. Hehe. Buti naman. Akala ko kasi I have cancer na or brain tumor. That's what I thought nung sumakit ulo ko ee"
Nakahinga naman ako ng maluwag dun. Akala ko talaga ee. Ang bait mo sakin Lord.
"Kahit kelan talaga, napakaoa mong mag isip" ani Jiro.
Inirapan ko nalang din siya saka ko inakay si Zev palapit sakin.
"How's your day Zev?"
"It was boring, Ate. I didn't have fun. The party's no fun at all" nakabusangot niyang saad.
"Aww. Galing ka sa party, pareng Zev? Wala ka bang baon na lumpia dyan?" saad ni Jiro.
"Mukhang pagkain ka talagang lintik ka" ano Sheena sabay batok kay Jiro.
"I don't have Kuya Pogi and it's nakakahiya po to take out food from party"
"Ano ka ba Zev, kung para naman kay Kuya Pogi, hindi nakakahiya yun. Next time i-take out mo----Araay!!"
Nakatikim na naman siya ng batok galing kay Sheena. Lintik na patay gutom talaga.
"Wag mong igaya sayo ang bata, Jiro. Patay gutom na maraming bulate sa tiyan" asik ko.
Napansin ko naman ang biglang pagseseryoso ng mukha ni Xy habang kausap si Mommy pero nung makita ako nitong nakatingin sakanya ay inirapan ako bigla. Hanep. Bakla ata ang kapatid ko. Juskoo..
"We're just going to buy some food. Dito na kayo lahat magdinner. Mukhang dipa kayo kumakain" saad ni mommy.
"Ayy opo, tita. Hindi pa po. Gutom na gutom na nga po kami" ani Jiro.
"Patay gutom ka talaga"
"Kakain palang naman po namin tita. Kasi nagdala si Tito Lucas ng pagkain kanina"
"Kanina pa yun, tsaka kayo na muna ang magbantay kay Cxiara dito. Para naman may makausap siya. Iwan ko na rin muna si Zev dito. "
Tumango na lamang ang lahat dahil sa sinabi ni mommy. Kilala din naman kasi nila mommy ee. Pagka sinabi niya, sinabi niya. Para siyang girl version ni Tito Rafael.