✨CHAPTER TWENTY SIX✨

7 2 0
                                    

Paano ba kasi kumalma? Bwiset na puso to. Paano ba magpaamo ng kabayong ayaw tumigil sa pagtakbo?

Gustong gusto kong tumili kaso nangangamba ako na baka marinig ako ng bebeloves ko.

I'm a barbie girl in a barbie world, life in plastic, its fantastic.

Abnormal Caller Calling...

Tsk. Sisirain niya lang ang mood ko. Bahala siya dyan.

Sa halip na sagutin ang tawag eh hinayaan ko nalang yung cellphone ko sa pagtunog. Ayokong mabahiran ng kahit na anong kabwisitan ang moment ko na to. Dzuhh.

"Ahhhhhhckkkk!!!! Crushback is real!!" sigaw ko.

Wag kang mag alala. Tinakpan ko naman ng unan yung mukha ko bago ako nagsisigaw. Kinikilig ang buong bulate ko da tyan. Huhu.

"Kahit papaano pala ay blessings in disguise din tong pagkakahospital ko." ngingiti ngiti kong wika sa sarili.

Habang nag iisip kung anong maari kong isagot kay Deibson ay bigla ko namang naalala kung paano ko siya kausapin kanina.

"Ay, boba! Jusmiyu marimar!" bigla ay sambit ko.

Nakakahiya! Ba't ganun ko siya kinausap kanina? Eh kasi naman hindi ko alam kung paano ko siya sasagutin sa mga pinagsasabi niya.

Sorry na agad my loves. Huhu.

I'm a barbie girl in a barbie world, life in plastic, it's fantastic.

Abnormal Caller Calling...

"Utang na loob, wag mo muna akong kulitin ngayon, please lang"

Hinayaan ko nalang ulit. Hays. Parang ngayon lang ako nagsisimula na mainis sa ringtone ko.

At ayun na nga, hindi niya talaga ako tinatantanan.

I'm a barbie girl in a barbie wor---

Okay, kumalma ka Cxiara. Masisira ang mood mo. Kalma.

"Bakit ba?! Ano bang problema mo?! Panira ka ng moment, alam mo ba yun?!"

Ganyan ako kakalmado, bakit ba?!

"I--im sorry"

"Sorry na naman. Sa susunod, kung tatawag ka at panay sorry lang din naman sasabihin mo. Utang na loob, wag ka nalang tumawag"

"I guess you're fine now" saad niya at mararamdaman mo sa boses niya na para bang nakahinga siya ng maluwag.

"Okay naman talaga ako. Ang saya saya ko nga kaso bigla kang tumawag. Nakakairita"

"I'm---"

"Kung sorry lang din ulit yan, please lang ayoko ng marinig"

"Get well soon, Cxiara Shaun"

"Tss"

"I miss you"

"Pinagsasabi mo? Geh, at ako'y abala, istorbo ka"

Pinatay ko na nga siya este ang tawag pinutol ko na. Nakakainis. Sobrang yaman niya ba sa sorry at panay yun lang ang sinasabi niya? Aba, kotang kota na ko.

Umiling iling nalang ako saka huminga ng malalim. Need kong i-relax ang sarili ko at magfocus sa katotohanang...

"Gusto din ako ng taong gusto ko!!! Ahhhcccckkk!"

You're Still The OneWhere stories live. Discover now