Balik ang normal sa dati. Nagpatuloy ako sa pag-iintern sa kompanya ni Esquival. Umuuwi pa rin ako sa tuwing weekend sa bahay. Walang pinagbago maliban sa alam ng pamilya ko ang lahat.
At ngayon naman, ang pamilya naman ni Esquival ang kakaharapin ko. Wala pa akong nakikilala sa pamilya niya bukod sa tatay niyang hilaw at sa Kuya Gab niya. Bukod sa kanila, wala pa akong naririnig tungkol sa pamilya niya.
"Esquival, nasaan ka na ba?!" naiinis kong tanong sa kaniya na tinawagan ko na kasi kanina pa ako naghihintay dito sa baba.
Pumasok muna kasi sa kompanya niya dahil may meeting kaninang umaga na kailangan siya. Tapos sabi niya after lunch ang alis namin. Hanggang ngayon wala pa rin.
"Baby, I'm sorry. Pero papunta na dyan si Dad para siya ang makasabay mo" salita nito.
"Gago ka?" tanong ko. "Kaming dalawa ng tatay mo magkasama sa iisang kotse. Anong gusto mong mangyari? Isa mamatay sa amin?"
Rinig ko ang pagbuntong hininga naman siya. "Baby, please ngayon lang naman."
"Hindi. Ayaw ko. Bahala ka sa buhay" end ko ng tawag.
Hindi sumagi sa isip ko na makakasama ko ang tatay niya sa maliit na espasyo dahil siguradong isa sa amin ang hindi mabubuhay kung mangyayari 'yon.
Paalis na sana ako sa kinatatayuan ko ng may humintong kotse sa harap ko. Ramdam ko kaagad ang bumabalot na masamang enerhiya sa kotse kaya nagmadali akong naglakad.
"Isang hakbang mo pa tatanggalin ko paa mo" boses engkanto ang narinig ko.
Humarap naman ako sa kaniya. "Hihintayin ko na lang si Esquival" salita ko kaagad.
"Huwag ka ngang mag-inarte. Sumakay ka na" salita nito.
Kinalma ko ang sarili ko. Wala pa siguro sa isang oras ang byahe kaya makakaya kong makasama ang matandang 'to.
-
Kung pwede ko lang lakarin ang pupuntahan namin, ginawa ko na kaysa makasama tatay ni Esquival sa iisang kotse. Hindi ako makahinga nang maayos baka paghinga ko, manermon siya.
"Hindi rin kita gusto makasama sa iisang kotse" salita nito.
"Same" sagot ko.
"Ikaw talagang bata ka, wala ka talagang modo. Hindi ka ba marunong gumalang sa nakatatanda sa'yo?"
'Yan nagsimula na naman siya! Siya naman ang nagsisimula kaya sinasabayan ko lang ang mga sinasabi niya. Saka ayaw kong makipagplastikan sa kaniya para magustuhan lang niya ako para sa anak niya. Kahit wala siya, mabubuhay kami ni Esquival.
Gusto ko sanang takpan ang tenga ko para hindi ko siya marinig pero baka itulak ako bigla dito. Higit sa lahat, hindi ako pamilyar sa tinatahak naming lugar papunta sa bahay nila.
"Hindi ka makapagsalita kasi totoo ang lahat ng sinasabi ko?!" tanong niya sa akin. Hindi ko nasundan ang sinasabi niya kasi kapag siya ang nagsalita, hindi ko pinapakinggan o walang plano ang utak ko na iproseso mga sinasabi niya.
"Ha?" nagtatakha kong tanong.
Iniyukom niya palad niya na parang kokotongan ako habang nanggigil kaso 'di niya magawa. "Kung marerealize lang ni Esquival ang pagkakamali niyang pinili ka niya, ako na pinakamasayang tao sa buong mundo"
"Ay tao ka?" hirit ko.
Tuluyan na sana akong kakaltukan ng biglang prumeno ang sinasakyan namin. Pagtingin namin sa harap, may truck na nakaharang. Biglang bumukas ang pintuan ng kotse at hinatak kami palabas.
BINABASA MO ANG
Captured by the Mafia Boss
ActionC O M P L E T E D capture (verb) :to get and hold (someone's attention, interest, etc.) :to take something into your possession, especially by force Blake Villarubia-Permejo is a twenty-year-old boy who is an immature, spoiled...